in

Carta di soggiorno at Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo period, ano ang pagkakaiba?

Matagal na akong naninirahan sa Italya at ikinasal sa isang Italian citizen. Ako po ay nag-aplay ng carta di soggiorno at aking nalaman na mayroong dalawang uri nito. Ano po ba ang mga ito at ang pagkakaiba nito?

Ang carta di soggiorno at permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo period, mas kilala sa tawag na EC long term residence permit ay mayroong pagkakaiba.

Ang carta di soggiorno ay isang uri ng dokumento na nagpapahintulot sa mga miyembro ng pamilya ng isang EU citizen, partikular ng Italian citizen, na manatili sa Italya ng higit sa tatlong (3) buwan ayon sa kundisyon na itinalaga ng batas sa public security at matapos mapatunayan ang pagkakaroon ng mga itinalagang requirements.

Sa katunayan, mula Abril 1, 2007 ay simulang ipinatupad ang legislative decree Feb 6 2007, bilang 30 na nagsasaad ng mga pangunahing kaso kung kailan ibinibigay ang carta di soggiorno:

– Sa mga miyembro ng pamilya (na hindi Europeans) ng mga European citizen, partikular ng Italian citizen na nais manirahan sa bansa ng higit sa tatlong (3) buwan. Sa ganitong mga kaso, ang carta di soggiorno ay maaaring i-request ng sumusunod:

  • asawa;
  • menor de edad na anak ng asawa o higit sa 21 anyos kung hindi pa ‘carico’ ng Italian citizen;
  • grandparents o magulang na ‘carico’ ng EU citizen o ng kanyang asawa.

Matapos maisumite ang mga itinalagang requirements, ang Questura ay magre-release ng carta di soggiorno per familiare di cittadini europei na papel na balido ng limang (5) taon. Ang ganitong uri ng dokumento ay ibinibigay sa mga non-EU nationals sa kapisan o ‘carico’ (dependent) ng Italian citizen na regular at tuluy-tuloy ang pananatili sa bansa.

Ibinibigay rin ito matapos ang kasal sa pagitan ng isang Italian at non-EU national.

Para sa mga hindi nabanggit na kaso, ay tumutukoy naman sa tinatawag na permesso di soggiorno UE (o CE) per soggiornanti di lungo period.

Ang Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo, na noon ay tinatawag rin na carta di soggiorno ay ibinibigay naman sa mga dayuhang mamamayan na mapapatunayan ang pagkakaroon ng mga kundisyong itinalaga ng batas. (Narito ang mga requirements).

Ang mga mayroon ng huling nabanggit na uri ng dokumento ay maaaring manatili, mag-aral at kahit mag-trabaho sa ibang EU countries ng higit sa tatlong buwan ng hindi kakailanganin ang visa. Ang host country ay maaaring mag-release ng panibagong renewable permit to stay batay sa motibo ng kanilang request. Gayunpaman, ang dokumento na ibinibigay ng host country ay hindi kapalit ng EC long term residence permit na buhat sa Italian government.

Bukod sa pagkakaibang ito, ang validity ng limang taon na nakasulat sa carta di soggiono. Bagaman ito ay indeterminato, ito ay nagpapahintulot sa aggiornamento o update na dapat gawin sa huling limang taon bago ipagkaloob ang permanent document. Samantala sa permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo period ay makikitang nakasulat ang illimitata.

At bilang pagtatapos, mula noong Pebrero 13, 2014, kahit ang mga pinagkalooban ng international protection o refuges status sa bansa ay maaaring mag-aplay ng EC long term residence permit.

Click to rate this post!
[Total: 7 Average: 3.3]

Aplikasyon para sa italian citizenship, narito ang bollettino postale

delta variant Ako Ay Pilipino

Delta variant, nakarating na sa 104 bansa