in

Halaga ng assegni per il nucleo familiare mula July 2017 hanggang June 2018, itinakda ng Inps

Taun-taon ay pinapalitan ang halaga ng ‘assegni per il nucleo familiare’, batay sa sahod at sa bilang ng miyembro ng pamilya. Narito ang Circular buhat sa Inps. 

 

 

Hunyo 23, 2017 –  Ang family allowance na mas kilala bilang assegni per il nucleo familiari o ANF ay isang tulong pinansyal na ibinibigay sa mga pamilya na ang kabuuang taunang sahod ay kailangang mas mababa kaysa sa itinatalaga taun-taon ng batas.  

Ang circular ng INPS noong May 18, 2017 bilang 87 ay nagtakda ng mga pamantayan sa kabuuang sahod at halaga ng assegni familiari mula July 1, 2017 hanggang June 30, 2018. 

Ang halaga ng sahod, batay sa average consumption buhat sa ISTAT ay hindi nagbago at nanatiling katulad noong nakaraang taon na nasasaad sa Circular May 27, 2016 bilang 92. 

Ang ANF ay ibinibigay ng walang anumang pagkakaiba sa pagitan ng pamilyang Italyano at pamilyang dayuhan. Ito ay nakalaan sa mga manggagawang regular na naka-empleyo, full time o part time (kahit ilang oras lamang kada linggo) at regular na ibinabayad ng kontribusyon.

Ang kabuuang kita ng buong pamilya ay binubuo ng pinagsamang kita ng aplikante at ng mga miyembro ng pamilya at kailangang isaalang-alang ang kinita ng naunang taon sa panahon ng pag-aaplay: halimbawa para sa panahong July 1, 2017 hanggang June 30, 2018 ay kailangang isaalang-alang ang kabuuang sahod ng taong 2016. Hindi kabilang sa kalkulasyon ng kabuuang sahod ang separation pay o ang halagang tinanggap bilang “accompagnatori degli invalidi civili”.

Paano mag-aplay? Ang mga colf, caregivers at baby sitters ay ipapadala ang aplikasyon sa Inps na direktang magbibigay sa kanila ng benepisyo.

Narito ang talaan, balido mula July 1, 2017 hanggang June 30, 2018, batay sa sahod at bilang ng miyembro ng pamilya. 

 

Assegno al nucleo familiare, i valori validi dal 1 luglio 2017 al 30 giugno 2018

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Modus ‘smartphone’, sangkot isang 17 anyos na Pinoy

Filcom Genova, nagdiwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas