Ipatutupad ng DOLE ang I-DOLE o overseas Filipino workers (OFWs) ID bilang kapalit ng Overseas Employment Certificate (OEC).
Ipatutupad na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang programang I-DOLE o overseas Filipino workers (OFWs) ID kapalit ng Overseas Employment Certificate (OEC) na kilala rin sa tawag na exit pass sa Italya.
Nakatakdang ilunsad sa July 12 sa Malacañang ang tinatawag na iDOLE, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III kamakailan.
Ayon pa kay Bello III, ay libreng makukuha ang iDOLE sa POEA (Philippine Overseas Employment Administration) at inaasahang sa katapusan ng Hulyo ay walang nang OEC dahil sa naturang ID system.
Hindi na rin umano kailangang mag-apply pa nito. “If you are an OFW, bibigyan ka na kasi nandoon ka na sa roster ng OFWs, so they will start processing your ID and we will give it to you”, aniya. Maaaring ma-claim ang OFW IDs sa POEA.
Magagamit din ang iDOLE sa PagIBIG, SSS, at PhilHealth.
Ibinalita rin ng kalihim ang pagbubukas ng OFW bank sa Oktubre ngayong taon na inanunsyo noong nakaraang buwan sa pagbisita ng kalihim sa Milan Italy.