in

Talakayang Pangkababaihan, inilunsad sa Empoli

Usaping pambabae at pamilya ang dinaluhan ng mga Ofws sa Empoli. Simulan ang talakayan sa tanong na “Ano ba ang Sex?”

 

Empoli – Naglunsad ng Talakayan ang Gabriela Fi-Em hinggil sa mga usapang pambabae at pamilya. Dinaluhan ito ng humigit kumulang 40 OFW mula sa mga organisasyon ng Sentro Katoliko Empoli, UNIFIL – Empoli, Mabinians in Florence, Mindorenians, FilCom Empoli, UKP, DGPII, at ConFed Tuscany .

Naging pangunahing Tagapagsalita si Miss Jocelyn Hapal, Wellfare Officer ng OWWA sa Milan. Binigyang diin sa talakayan ang mga maling konsepto at praktis na natutunan sa pangunahin sa komunidad. Halimbawa nito na “kaya nababastos ang isang babae dahil maiksi ang kanyang kasuotan”, at ang karahasan sa kababaihan ay “normal lamang sa isang patriyarkal na lipunan”.

Napaghambing din sa usapin ng Edukasyong Sekswal kung saan parehong Katolikong bansa subalit mas konserbatismo ang Pinas samantalang ang Italya ay maunlad, sistematiko at bukas ang pananaw sa bagay na ito. Bagay na ang paggamit ng contraceptive ay mas pinapayagan dito samantalang isang sensitibo at madugong usapin sa hanay ng mga mananampalataya pangunahin na ang simbahang Katoliko sa Pilipinas.

Ang mga ganitong nagbabanggaang pananaw at paniniwala ay mahahango sa isang ekonomiya na atrasado at di maunlad kung kayat ang pagharap hinggil sa karapatan at kagalingan ng kababaihan ay di gasinong nabibigyan ng pansin. Ito ang ipinahayag ni Elvie Purificacion, isa sa convenor ng Talakayan. 

Ang mga batas tulad ng Magna Carta for Women ay isa lamang patunay na kung ang mga kababaihan ay magkakaisa at kolektibong maghahangad ng tunay na pagbabago, mas maisusulong pa natin ang ang kagalingan bilang babae at OFW na rin kahit sa ibayong dagat”, aniya ni Mely Ople, pinunong convenor ng Forum.

Natapos ang programa sa isang tanong, “ Bakit ngayon lang nagkaroon ng ganitong mga usapan, may programa ba ang Embahada para sa mga kababaihan na mahigit 60% ng 200,000 OFW sa Italya?”. Nangako ang grupo ng kababaihan na palalaganapin pa ang mga kahalintulad na talakayan.

 

ni: Rhoderick Ople

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ika-119 na taong Araw ng Kalayaan, tagumpay sa Roma

Mga kabataan pinarangalan sa IEE 2nd Moving up Activity