in

Mga kabataang Pinoy, sumabak sa concert sa Milan

Mga kabataan mula limang taon hanggang labing walong taon gulang ang humarap sa pubblico sa Milan at nagpakitang gilas sa pagtugtog ng musical instruments, kumanta at sumayaw.

 

Milan – Isang free concert ang inorganisa ng SMS Performing Arts Group sa pamamagitan ng kilalang mang-aawit sa Milan, si Marivic Hernandez.

Ang mga kabataan mula limang taon hanggang labing walong taon gulang na sa unang pagkakataon ay humarap sa publiko hawak ang kanilang mga musical instruments mula gitara, drums hanggang keyboard na itinuro ng mga instructors ng SMS group. Maliban sa paggamit ng mga musical instruments ay tinuruan din silang kumanta at sumayaw.Bago pa lamang mag-umpisa ang nasabing event ay bakas sa mga performers ang kanilang nerbiyos at excitement, maging ang mga magulang ng mga bata.

Ayon kay Hernandez, nasa ika-13 taon na ang SMS Performing Arts Group, at karamihan sa mga nagdaan nilang estudyante ay nagbuo ng kani- kanilang mga musical band. Ang ilan naman ay dala- dala nila hanggang sa kasalukuyan at di malilimutan gumamit ng mga kanilang nakahiligang musical instruments na namana pa nila sa mga dating instructors.

Almost 3 months ang preparation namin para sa concert na ito, at kita namin sa mga bata ang kanilang passion sa musika”, masayang tugon ni Hernandez. Ang free concert, ayon pa sa founder ay ang kanilang recital upang ipakita sa mga magulang ang kanilang mga natutunan. “Yearly may recital kami kaya ito ay tinawag naming free concert,” ani Hernandez.

Inumpisahan ang concert sa pamamagitan ng basbas mula kay Rev. Father Bong Osial. Hanga din ang lokal na gobyerno ng Milan na imbitado sa concert sa kakayahan ng mga batang pinoy pagdating sa larangan ng musika. Imbitado rin ang kids fashion models na rumampa sa entablado at ipinakita sa mga manonood ang kani-kanilang mga pose habang naglalakad.

Naging guest singer din si Nikki Ondo, isa din kilalang batang mang-aawit na madalas maimibitahan sa mga events ng filipino community. Naghandog din ang Jesus is Lord Milan boys choir ng isang awitin para sa mga kabataan at mga dumalong mga manonood. Mga dance number naman mula sa grupong VIP kids at isang tula mula kay “Sophie”.

Sa panayam ng Ako ay Pilipino news kay Adoracion Buhay ng grupong OFW Italy na sumuporta sa SMS Performing Arts group mula pa man ng ito ay itinatag, sinabi niya na patuloy nilang hihikayatin ang mga kabataang pinoy na may hilig sa musika na sumapi sa kanilang grupo.

We encourage the youth na sumali sa grupo ni maestra Marivic para ma-enhance nila ang kanilang mga talento lalo na sa musika”, wika ni Buhay. Ayon pa sa grupo, ay magkakaroon sila ng sariling studio sa tulong ng lokal na gobyerno ng Milan. Malaki ang paniniwala ng pamunuan ng SMS Performing Arts group na magiging matagumpay ang kanilang tinuturuan mga bata sa larangan ng musika.

 

ni Jesica Bautista

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga kabataan pinarangalan sa IEE 2nd Moving up Activity

Bonus Nido 2017, paglilinaw mula sa Inps