in

Bonus Nido 2017, paglilinaw mula sa Inps

Isang paglilinaw mula sa Inps ukol sa pagsusumite ng aplikasyon na nakatakda mula 10:00 ng umaga ng July 17. 

 

Roma  – Nagbigay ng paglilinaw ang Inps, sa pamamagitan ng Facebook page nito na nakalaan sa mga pamilya, ukol sa Bonus Asilo Nido 2017 na inaprubahan ng Budget law 2017. 

Ang Bonus Asilo Nido ay tumutukoy sa 1000 euros na tulong pinansyal bilang reimbursement sa ginastos sa pagpasok ng mga anak sa nursery.

Ang paglilinaw sa pamamagitan ng isang post, ay inilabas ng Inps ilang araw bago simulan ang pagsusumite ng aplikasyon na nakatakda mula 10:00 ng umaga sa susunod na lunes, July 17 online

Ayon sa post, ang unang bahagi ay nakalaan sa mga batang pumasok sa asilo nido mula Enero hanggang Hulyo 2017; at para sa mga aplikasyon para sa susunod na enrollment 2017/2018 ay kailangang ilakip ang patunay ng enrollment at ang pinagbayaran, kahit unang resibo lamang, o ang pagiging kasama ng bata sa listahan ng mga tanggap o ang tinatawag na ‘graduatoria’. 

Ang reimbursement ay magaganap lamang matapos matanggap ng Inps ang pinagbayaran sa asilo nido na maaaring sa pamamagitan ng:

  • Resibo (quietanza di pagamento)
  • Invoice (fattura)
  • Postal or bank payment (bollettino bancario o postale)

Binigyang-diin rin ng Inps na kailangang sagutan ang application form para sa bawat anak na naka-enrolled sa nursery.

Bukod dito, ang bonus nido ay matatanggap rin ng mga pamilya na hindi maaaring ipasok ang mga anak sa nursery dahil sa matinding karamdaman. Upang matanggap ang reimbursement para sa home service na ginastos ng pamilya para sa anak, ilakip din sa application form ang certification buhat sa pediatrician na nagpapatunay na hindi maaaring pumasok ang bata sa nursery. 

Ang paglilinaw na ito ay nasasaad sa Circular 88 ng Inps kung saan nasasaad ang implementing rules and guidelines ng bonus. 

Ipinapaalala na ang Bonus Nido ay iba sa voucher babysitter e asilo nido. Ang dalawang nabanggit ay maaaring parehong matanggap ng pamilya ngunit nararapat na sa magkaibang mga buwan. 

 

Bashing rin: Bonus Asilo Nido 2017, ano ito? 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga kabataang Pinoy, sumabak sa concert sa Milan

Ano ang Bonus Nido 2017?