in

Ano ang Bonus Nido 2017?

Ang Bonus Nido ay isang uri ng tulong pinansyal na nakalaan para sa pagbabayad ng nursery fees. Narito ang mga dapat malaman ukol sa benepisyo. 

 

Ang Bonus Nido ay itinalaga ng Budget Law 2017, kasama ng bonus mamme domani 2017 o ang premio nascita na nagkakalahaga ng 800 euros na nasa ika-7 buwan ng pagbubuntis o mga nag-ampon ng isang menor de edad sa taong 2017.

Ito ay isang uri ng tulong pinansyal na nakalaan para sa pagbabayad ng nursery fees, pribado o publiko man, at matatanggap hanggang sa ikatlong taong gulang ng mga bata. Ito ay nakalaan rin sa mga batang may matinding karamdaman na hindi napapahintulutang makapasok sa nursery school bagkus ay tumatanggap ng home assistance.  

Ito ay nagkakahalaga ng 1,000 euros at matatanggap ang 90,91 euros kada buwan. 

Ang bonus ay matatanggap matapos magsumite ng mga requirements na itinalaga ng batas. 

Sino ang maaaring mag-aplay ng Bonus Nido?

Ang aplikasyon ay maaaring isumite ng magulang ng batang ipinanganak o inampon mula Enero 1, 2017

Maaaring mag-aplay ang mga magulang na nagtataglay ng mga sumusunod na kundisyon: 

  • Italian; 
  • European; 
  • non-EU national na mayroong EU long term residence permit; 
  • mayroong carta di soggiorno para sa mga miyembro ng pamilya ng mga Italian citizen;
  • mga dayuhang mayroong refuges status at international protection status. 

Bukod sa mga nabanggit, upang matanggap ang bonus, ang aplikante o ang magulang ay kailangang nabayaran ang nursery fees. Dapat ring nagtataglay ng mga sumusunod na datos: 

  • Pangalan ng Nursery school at ang Partita IVA nito;
  • Fiscal code ng bata;
  • Panahon ng tatanggaping benepisyo;
  • Pangalan ng magulang na nagbabayad ng nursey fees;
  • Numero ng resibong pinagbayaran.

Hindi katulad ng Bonus Bebe, ang Bonus Nido ay hindi nangangailangan ng ISEE. Ito ay nangangahulugan lamang na anuman ang sahod ng mga magulang ay maaaring mag-aplay nito. 

Para sa mga batang naka-enrolled na sa asilo nido noong Jan 1, 2017 mula ng inaprubahan ang bonus nido ay matatanggap hindi lamang enrollment at nursery fees na binayaran mula Setyembre hanggang Disyembre 2016 ngunit matatanggap din ang binayaran mula Enero hanggang Hulyo.  

Para naman sa mga aplikasyon sa mag-eenroll pa lamang ngayong Setyembre 2017 sa unang pagkakataon sa asilo nido, ay naiiba ang aplikasyon dahil maisusumite lamang ito matapos patunayan ang pagkakaroon ng kahit isang bayad na nursery fee lamang. 

Ang mga kwalipikado ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod na paraan: 

  • Online: kung ang isa sa mga magulang ay mayroong Inps  personal pin sa pamamagitan ng online services nito sa website ng Inps;
  • Sa pamamagitan ng pagtawag sa toll free number ng tanggapan;
  • Sa pamamagitan ng tulong ng mga authorized offices o patronati.

Ang aplikasyon ay maaaring isumite mula July 17 hanggang December 31, 2017.

 

PGA

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus Nido 2017, paglilinaw mula sa Inps

App sa 10 linguahe hatid ng Lombardy region para sa kalusugan ng mga dayuhan