Inilunsad ng Regione Lombardia ang “Infostranieri” upang magbigay ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa serbisyong pangkalusugan.
Milan – Inilunsad kamakailan ng Regione Lombardia ang “Infostranieri” sa Android at iOS. Layuning magbigay ng mga impormasyon mula sa mga nakakahawang sakit tulad ng tuberculosis at lahat ng dapat malaman upang maiwasan ito hanggang sa mga serbisyong pangkalusugan.
Paano matutulungan ang padami ng padaming mga dayuhan na nagnanais na manirahan sa Milan na harapin sa madali, mabilis at epektibong paraan ukol sa mga suliranin sa kalusugan, pagkakaroon ng duktor at maging administratibo na kanilang haharapin?
Upang matugunan ang katanungang ito ay ninais ng Regione Lombardia ang ilunsad ang “Infostranieri”, ito ay isang app para sa Android at iOS na layuning mabigyan ang mga dayuhan sa Lombardy region ng posibilidad ng magkaroon, sa pamamagitan ng isang ‘pindot’, ng mahahalagang impormasyon ukol sa nakakahawang sakit at mga paraan upang maiwasan ang mga ito tulad ng bakuna, pagtanggap ng mga serbisyo at mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagkakasakit. Samakatwid, mga mahahalagang kaalaman ukol sa sistemang pagkalusugan sa rehiyon”, ang pahayag ni Welfare Assessor Giulio Gallera.
Bukod sa mga impormasyon ukol sa kalusugan sa 10 linguahe (Italyano, Ingles, Pranses, Espanyol, Albanian, Arabic, Chinese, Russian, Urdu at Romanian), ang app ay nagbibigay din ng mahahalagang impormasyon ukol sa migrasyon tulad ng dokumentasyon sa pagkakaroon ng permit to stay, ng family reunification at citizenship.
Gayunpaman, ang Health category ay pansamantalang limitado at aktibo lamang sa Comune di Milano ngunit nangangakong ito ay pakikinabangan rin sa ibang Comune at ATS (o Agenzia di tutela della salute), ang dating ASL, matapos ang trial phase nito.