in

Iwasan ang Postepay o Postepay Evolution scam, narito kung paano.

Muling nagbabalik ang scam sa mga Postepay, ang prepaid card ng Poste Italiane at parami ng parami ang nagiging biktima nito. 

Sa isang komunikasyon ay nagbabala kamakailan ang Poste Italiane ukol sa ‘phishing’. Sa katunayan, ang email ukol sa blocked postepay ay hindi na bago: taon na ring ito ay nasa sirkulasyon at sa ngayon ay patuloy na may nabibiktima, partikular ang mga Postepay Evolution holder.

Narito kung paano maiiwasan ang nasabing scam sa pamamagitan ng isang komunikasyon na ‘blocked’ ang prepaid card, ang ma-clone ang account at manakaw ang nakatabing pera.

Sa ganitong uri ng scam, ang biktima ay nalilinlang sa pamamagitan ng matatanggap na email kung saan nasasaad na-blocked umano ang kanyang Postepay. Upang ma-unblocked ito ay hihingan ang biktima ng mga personal datas at sa pag-aakalang isang institusyon ang nagpadala ng email ay ipinagkakatiwala naman ng biktima ang mga personal infos sa kamay mismo ng mga masasamang-loob na siyang susi naman upang masaid ang laman ng account ng biktima.

Sa pagpasok ng summer ay muling naitala ang mataas na bilang ng phishing na nagtulak sa Poste Italiana at Postal Police para mag-imbestiga.

Sa sandaling i-click ang link na nasa email na natatanggap upang kumpirmahin ang mga personal infos, ay magagamit ito upang tuluyang i-blocked ang inyong prepaid card. Pagkatapos ay dadalhin ka sa isang home page na katulad ng sa Poste Italiane. Ang maingat na pagbabasa, gayunpaman, ay makakatulong upang matuklasang ito ay hindi ang opisyal na website ng Poste Italiane dahil sa maraming pagkakamaling makikita dito bukod pa sa grammatical errors.

Mababasa rin ang mensaheng ito sa email: “Stiamo inserendo il servizio di sicurezza con il codice 0TP anche per Postepay e Postepay Evolution! Per questa ragione la tua carta è stata sospesa finche non eseguirai l’aggiornamento. Per riabilitare la tua Postepay dovrai cliccare sul link e inserire i dati richiesti per provvedere con la verifica della tua identità“.

Upang maiwasan ang panlilinlang, ipinapaalala ng Postal Police na ang Poste Italiane ay walang pahintulot humingi ng mga personal infos online. Samakawid, bawat email na magpapakilalang Poste Italiane at hihingi ng mga impormasyong nabanggit ay malamang sa isang panlilinlang lamang.

Kung makakatanggap ng ganitong uri ng komunikasyon (maaari ring matanggap ang komunikasyon at link sa pamamagitan ng SMS o WhatsApp), ay ipinapayong i-delete ito agad.

Para sa higit na proteksyon ng inyong mga cards: Postepay, bancomat, Evolution at iba pa, inaanyayahang magtungo sa ‘area personale’ ng official website ng Poste Italiane at alamin ang mga paraan ukol sa seguridad at kung paano mapapangalagaan ang bawat card at account.

 

PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kawalan ng permesso di soggiorno at rehistradong address, di hadlang sa pagiging naturalized italian. Ang hatol ng korte ng Palermo.

13 lungsod sa Italya, itinaas sa red alert ng Ministry of Health dahil sa nagbabalik na heat wave