Ang issuance ng entry visa ay karaniwang napapailalim sa pagbabayad ng halagang nagbabago batay sa uri ng visa na inaaplay. Narito ang mga uri ng enrty visa.
Ang issuance ng entry visa ay karaniwang napapailalim sa pagbabayad ng halagang nagbabago batay sa uri ng visa na inaaplay. Ang mga uri ng entry visa ay nag-iiba batay sa haba ng panahon ng pananatili: short (breve) at long (lunga) term.
Ang Uniform Schengen visa (USV) ay balido sa pagpasok sa lahat ng Schengen countries at ibinibigay sa dalawang kategoriya: sa Airport transit visa (type A) at sa Short term visa (type C). Ang maximum na haba ng panahon ng pananatili para sa ganitong uri ng visa ay 90 araw at ang aplikante ay maaaring magkaroon ng single o multiple entry. Ang admin fee para sa issuance ng Uniform Schengen visa ay 60 euros. Samantala, 35 euros naman para sa mga bata na may edad mula 6 hanggang 12 taong gulang.
Ang National Visa (VN) ay ang type D o ang long term visa na balido sa pagpasok sa national territory para sa pananatili ng higit sa 90 days at ang anumang transit sa ibang Schengen country ng limang araw lamang. Halimbawa, working visa o family reunification visa. Ang admin fee ay nagkakahalaga ng 116 euros.
Nakalaan ang exemption sa pagbabayad ng admin fee sa ilang kategoriya tulad ng:
- diplomats o international officials in mission (short term);
- may edad mas bata sa anim na taong gulang (short term);
- mag-aaral (short term);
- kamag-anak hanggang second degree ng EU nationals;
- mananaliksik;
Sa ilang mga kaso, ang Italian consulate sa ibang bansa ay mayroong mga external companies para sa pagproseso ng visa. Ito ay upang mabawasan ang panahon ng paghihintay, maiwasan ang di kailangang pila at matulungan ang mga taong nahihirapan sa dokumento at mga tanggapan.
Narito ang buong listahan ng mga bansa kung saan ang Italian consulate ay mayroong external companies mula sa website ng Ministry of Foreign Affairs at International Cooperation.
ni: D.ssa Maria Elena Arguello
isinlain sa tagalog ni: PGA