Sa website ng INPS ay matatagpuan ang isang software na nakalaan para sa mga employer at workers, kung saan maaaring kalkulahin, bago magpatuloy sa hiring, ang halaga ng kontribusyon.
Hulyo 27, 2017 – Ang pagbabayad ng kontribusyon ng mga colf, caregiver, colf at babysitter ay isang obligasyon ng employer sa regular na hiring at employment. Ito ay mahalaga para sa social security, maternity, insurance sa aksidente at karapatan sa unemployment benefits ng bawat worker. Ang pagbabayad ay nakatakda tuwing ikatlong buwan. Ang unang quarter payment ng taong 2017 para sa unang tatlong buwan ay noong nakaraang April 10, 2017, sinundan ito noong Hulyo 10, 2017. Ang third quarter payment ay nakatakda naman sa Oct 10, 2017 at sa Jan 10, 2018 naman ang para sa huing tatlong buwan ng taong 2017.
Gayunpaman, ang halaga ng kontribusyon ay nagbabago batay sa sahod, sa oras ng trabaho at sa uri ng kontrata: kung permanente (indeterminato) o pansamantala (determinato) ng colf.
Kaugnay nito, sa website ng INPS ay matatagpuan ang isang software na nakalaan para sa mga employer at workers, kung saan maaaring kalkulahin, bago magpatuloy sa hiring, ang halaga ng kontribusyon, 13th month pay o tredicesima at bakasyon o ferie.
Ang software ay nagpapahintulot na kalkulahin ang halagang dapat bayaran ng employer sa domestic job. Ilagay lamang ang datos na hihingin sa form tulad ng mga sumusunod at i-click ang ‘avanti’.
- Bilang ng oras ng trabaho kada linggo;
- Tukuyin kung ang domestic worker ay isang kamag-anak;
- Halaga ng sahod;
- Bilang ng linggo sa tatlong buwan para sa kalkulasyon.
Halimbawa, kung ang worker ay nagta-trabaho ng 25 hrs weekly (300 hrs sa tatlong buwan) at binabayaran ng 15 euros kada oras at hindi kamag-anak ng employer at ang kontrata ay indeterminato, ang simulator ay ibibigay ang kanyang kalkulasyon sa screen ng halaga ng kontribusyon sa social security na dapat bayaran ng employer sat along buwang hinihiling na kalkulasyon o ang 353,50 euros kung saan ang 87,50 euros ay ang halagang dapat bayaran ng worker.
Ang kalkulasyon ay batay sa contribution rate ng taong 2017.
Bashing rin:
Colf, caregivers at babysitters, paano kinakalkula ang kontribusyon?