Kahit ang mga mamamayan sa kanilang mumunting paraan ay malaki ang maitutulong upang maiwasan ang maaksaya ang tubig, partikular sa panahon ng krisis. Narito ang Tipid tubig tips.
Sa panahong nakaamba ang krisis sa tubig sa buong bansa, sanhi ng mahabang panahon ng hindi pag-ulan at pagsusumikap ng mga institusyon na harapin ang kasalukuyang krisis, kahit ang mga mamamayan sa kanilang mumunting paraan ay malaki ang maitutulong upang maiwasan ang maaksaya ang tubig.
Narito ang mga dapat gawin upang hindi maaksaya ang tubig
- Isara ang gripo habang nagsasabon ng kamay o habang nagsisipilyo ng ngipin o habang naghuhugas ng pinggan o habang naglalagay ng shampoo o kahit habang nag-aahit ng balbas. Ang isang pamilya na binubuo ng tatlo katao, sa paraang nabanggit ay makakatipid ng halos 8,000 litro ng tubig sa 1 taon. Huwag hayaang tumutulo ang tubig sa gripo ng hindi pinapakinabangan.
- Mag shower at huwag magbabad sa bath tub. Sa pagso-shower ay gumagamit ng halos 30 hanggang 35 litrong tubig lamang sa halip na 150 hanggang 180.
- Agad kumpunihin ang mga tagas sa gripo at tubo at ayusin ang flush na tumutulo. Tandaan na ang 30 patak ng tubig kada 1 minuto ay umaabot sa 200 litrong tubig sa isang buwan at 2400 litro naman sa isang taon. Ang sirang flush na patuloy ang pagbagsak ng tubig ay 2000 litro ng tubig ang nasasayang.
- Hugasan ang mga prutas at gulay sa isang palanggana, sa halip na sa pamamagitan ng bukas na gripo. At ang ginamit na tubig sa paghuhugas ng prutas at gulay ay maaaring idilig sa mga halaman.
- Gamitin lamang ang washing machine at dishwasher kapag puno na ang mga ito. Sa ganitong paraan ay makakatipid mula 8000 hanggang 11000 litro ng tubig kada taon ang isang pamilya. Samantala, kung mga applinces na nabanggit naman ay paaandarin ng hindi puno, siguraduhing gamitin ang half mode o saver
- Gamitin ang mainit na tubig mula sa pinagkuluan ng pasta upang hugasan ang maruming plato. Ito ay madaling magtanggal ng mantika at magpapahintulot rin na makatipid din ng detergents.
- I-install ang dual tube system na karaniwang ginagamit sa isang bansa sa Europa. Kinikilala nito ang non potable water (para sa domestic use) at ang potable water (na ginagamit sa pagluluto).
- Iwasang itapon sa toilet bowl ang anumang tissue paper at anumang make up remover upang maiwasan ang higit na paggamit ng flush.
At ang mga nasa ibaba naman ay karagdagang mungkahi ng Ako ay Pilipino:
- Isara nang mahigpit ang gripo matapos itong gamitin.
- Huwag mag-defrost ng pagkain gamit ang tumutulong tubig mula sa gripo.
- Pumili ng isang basong gagamitin buong araw o gumamit ng water bottle para mabawasan ang mga kailangang hugasan.
- Mangyaring magdilig ng halaman sa gabi o umagang-umaga. At kung maaari ay gumait na lamang ng timba at tabo o lagadera sa pagdidilig. Huwag magdilig kapag matindi ang sikat ng araw o mahangin. Madali lamang sisingaw ang tubig at hindi ito masisipsip ng halaman.
- Kapag may nakitang sirang tubo sa kalsada, agad na ipagbigay-alam sa kinauukulan.