in

Mga dapat malaman tungkol sa OFW balikbayan box

Mayroong mga bagong panuntunan ukol sa mga Balikbayan boxes, ang Customs Administrative Order (CAO) 05-2016 na simulang ipinatupad nitong August 1, 2017. Narito ang nilalaman.

 

Ayon sa Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines o DDCAP, tinatayang hindi bababa sa limang milyong Filipino overseas ang nagpapadala ng mga balikbayan boxes sa kanilang mga pamilya taun-taon. 

Ano ang balikbayan box? 

Ang balikbayan box ay isang karton na puno ng mga personal na bagay at gamit, regalo, padala at mga pasalubong sa mga kaanak na dadatnan pabalik sa Pilipinas ng isang OFW. Ito ay maaaring dala sa mismong araw ng kanyang pag-uwi o pagba-bakasyon sa Pilipinas o maaari din na ipadala sa mga Freight Forwarders sa eroplano (air cargo) o sa barko (sea cargo).

Ito ay nagsimula mga unang taon ng dekada 80. Ito ay isang tugon ng pamunuan ng dating Pangulo Ferdinand E. Marcos na nagbibigay ng prebihileyo sa mga Pilipinong nagta-trabaho sa labas ng bansa o OFWS.

Ang Department of Finance at ang kanyang sangay na ahensya, ang Bureau of Customs ang siyang nagpapatupad sa mga batas, circular at panukala hinggil sa Balikbayan Box.

Ang batas o panukala kung saan nasasaad ang kalakaran ng balikbayan boxes ay ang Section 105 ng Batas Republic Act No 1937 o higit na kilala bilang The Tariff and Customs Code of the Philippines. Ang mga importanteng susog sa naturang batas hinggil sa Balikbayan box ay ang Executive Order No 206 sa ilalim ng pamunuan ni dating Pres Ferdinand E Marcos at ang susog ng pamunuan ni dating Pres Corazon Aquino noong ika-30 ng Hunyo, 1987.

Gayunpaman, mayroong mga bagong panuntunan ukol sa mga Balikbayan boxes, ang Customs Administrative Order (CAO) 05-2016 na simulang ipinatupad nitong August 1, 2017. 

Ang mga bagong regulasyon ay batay sa Customs Modernization and Tariff Act o CMTA (Republic Act No. 10863), na nilagdaan noong Mayo 2016. Ito ay naglalaman ng mga pagbabago sa lumang Balikbayan Box law na nagtatanggal ng custom duties ukol sa personal na gamit na ipinapadala ng mga ofws. 

Narito ang mga ito: 

1. Magkano ang maximum value ng mga tax-free items na maaaring ipadala via Balikbayan boxes?

Mula Php10,000 ay itinaas sa Php150,000 ang halaga ng mga tax-free personal items na maaaring ipadala via Balikbayan boxes. 

Ang programa pong ito ay isang pribilehiyo at regalo ng gobyerno sa ating mga kababayan. Kaya po tayo’y nananawagan at umaapela sa likas na kabutihan ng ating mga kakababayan na huwag po itong abusuhin para sa tunay na pagbabago”.

Paalala ni Bureau of Customs commissioner Nicanor Faeldon sa mga overseas Filipinos sa kanyang facebook post.

2. Sino ang mga kwalipikado sa tax-free Balikbayan boxes?

Ang mga QUALIFIED FILIPINOS WHILE ABROAD (QFWA), batay sa CAO 05-2016, ay kwalipikado na magpadala ng mga tax-free balikbayan boxes.

Sila ay ang ating mga kababayan sa abroad na tinuturing na Resident Filipinos, OFWs at Non-Resident Filipinos. Kabilang po sa mga QFWA ang holders ng student visa, tourist visa, at permanent residents pero nanatiling Filipino citizens.

3. Ilang balikbayan boxes ang maaaring ipadala ng mga Filipino overseas?

Maaaring magpadala ng hanggang tatlong boxes sa loob ng isang taon ang QUALIFIED FILIPINOS WHILE ABROAD (QFWA) mula Enero 1 hanggang Disyembre 31 tax-free hangga’t nagtataglay ng hanggang Php150,000 kada box. Ang pagpapada ng box na nagkakahalaga ng higit sa Php10,000 ay kabilang na sa 1 box na maaaring ipadala sa 3 nabanggit kada taon. 

Paalala ng BOC na dapat laman lamang ng mga boxes ay pang-personal at pamilyang gamit lamang. Hindi maaaring naglalaman ng komersyal na gamit. 

4. Ano ang tamang pamamaraan para sa pagpapadala ng mga balikbayan boxes?

Kinakailangan ang pagsusumite ng kopya ng pasaporte bago simulan ang buong proseso. Ito ay bilang patunay ng pagiging filipino citizen para ma-avail ang duty and tax exemption privileged.

Upang matiyak ng BOC na ang mga boxes na ipinapadala ng mga ofws ay nagtataglay ng mga gamit na pinahihintulutan lamang, ang BOC ay nag-oobligang sagutan ang information sheet kung saan nasasaad ang lahat ng nilalaman ng box. 

Ang mga information sheets ay maaaring i-download sa website ng BOC o maaaring hingin sa mga suking consolidators o forwarders na pinagpapadaldan ng boxes. Tatlo ang kopyang hinihingi ng BOC: para sa consolidator, deconsolidator at sender. 

Kahit ang mga secondhand itmes na laman nito ay kailangang ideklara, pati na ang bilang at halaga nito. Kung sakaling ang box ay naglalaman ng mga bagong items, ay kailangang isama ang resibo nito. Gayunpaman, ang mga regalo, groceries at secondhand items ay kailangang ideklara at ibigay ang approximated value nito, at hindi nangangailangan ng resibo. 

5. Kailan dapat mag-submit ng resibo o invoice sa pagpapadala ng balikbayan box?

Ang mga resibo o invoice ay kailangan lamanng para sa mga high-valued brand new items na higit sa 10,000 Pesos ang halaga.

6. Kailangan ba ang resibo kung used items ang laman?

HINDI kailangan ang resibo para sa mga used o second-hand items, regalo o mga items na nabili sa garage sale. Kailangan lamang ay isulat sa Information Sheet ang approximate value ng mga items.

Upang masuri ang katotohanan sa mga idineklarang nilalaman ng box ay sasailalim ang mag ito sa x ray sa pamamagitan ng BOC personnel. Kung makakakita ng kahina-hinalang item o box, ay magpapatuloy ang bureau sa pagsusuri (100 %) o pagbubukas sa nasabing box. 

 

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring kumonsulta sa official website at FB page ng BOC 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Coastal Clean up Drive, isinagawa ng mga kaanib ng INC Rome

Permit to stay, sapat upang matanggap ang maternity allowance mula sa Comune