May karapatan sa maternity allowance kahit mga kababaihang dayuhan na mayroon lamang permit to stay.
Ito ay ayon sa Tribunale del Lavoro di Bergamo matapos tanggapin ang apela ng dalawang dayuhan sa tulong ni Avv Alberto Guariso at Marta Lavanna sa utos ng CGIL Bergamo Migrant’s Office laban sa Comuni di Gorle at Azzano S. Paolo.
Ang nabanggit na dalawang lugar ng Bergamo, ay tumangging magbigay ng benepisyo na tulong pinansyal buhat sa Inps na nakalaan sa mga Nanay na walang trabaho dahil umano sa kawalan ng EC long term residence permit o carta di soggiorno.
“Ang batas ng Italya ay nagsasaad na ang pagbibigay ng ilang benepisyo ay nakalaan sa mga long term residents lamang o mayroong EC long term permit to stay – paliwanag ni Annalisa Colombo, ang CGIL Bergamo Migrant’s Office responsible – ay hindi na balido dahil sa paglabas ng isang European directive noong 2011 na nagpapalawak sa karapatan sa welfare sa lahat ng mga mamamayang dayuhan na nagtataglay ng permit to stay na nagpapahintulot makapag-trabaho. Maraming Comune ang nag-assessed na, simula sa kapital nito. Ang iba ay nananatiling matigas at patuloy na tinatanggihan ang pagbibigigay ng benepisyo. Tinatayang aabot sa 1.600 euros ang halagang nakalaan sa mga Ina na nagigipit at walang trabaho na ibibigay muna ng Comune ngunit ibabalik sa nabanggit na tanggapan ng Inps”.
“Ang artikulo 12 ng directive 2011/98/UE […] ay isang pamantayang nararapat na direktang ipatupad dahil sa malinaw ang pag-uutos at ang estado ay walang dapat gawin kundi ang ipatupad ito. Kung hindi, ito ay maaaring maging sanhi ng isang diskriminasyon. […] Ang aplikante ay kabilang sa mga tinutukoy ng normatiba ng Directive 2011/98 / EU, na gaya ng nabanggit sa itaas ay hindi nagbibigay ng exemption sa pantay at patas na pagtingin katulad sa mga Europeans kung saan naninirahan partikular sa social security […]. Sa kasong nabanggit ang aplikante ay regular na naninirahan sa bansa at nagtataglay ng regular na permit to stay na nagpapahintulot sa aplikante na makapag-trabaho bukod pa sa pagkakaroon ng pamilya sa bansa. Samakatwid, ay maaaring ituring ang pagkakaroon ng lahat ng requirements ng aplikante upang mapakinabangan ang nabanggit na benepisyo”, ayon kay Labor Judge Monica Bertoncini sa isa sa dalawang tinanggap na apela.