in

Decreto vaccini, batas na!

Layunin ng bagong batas ang tapusin ang patuloy na pagdami ng mga hindi pagpapa-bakuna sa bansa. 

 

Ganap na inaprubahan ng Chamber of Deputies ang tinatawag na “decreto vaccini”, ito ay isang batas na nagpapahintulot lamang ng enrollment sa mga bata sa nursery at kindergarten matapos magampanan ang obligatory vaccination at nagpapataw ng monetary sanctions sa mga magulang na nag-enroll sa mga anak sa obligatory school ng hindi nabakunahan, samakatwid mula mababang paaralan o elementarya. 

Ang batas, na layuning tapusin ang patuloy na pagdami ng mga hindi pagpapa-bakuna sa bansa – ay inaprubahan ng gobyerno noong May 19, pagkatapos ay pinirmahan ni President Sergio Matarella. Nangangahulugang ito ay umiiral at may bisa na. Inaprubahan sa Senado noong nakaraang July 20 at isinabatas ng Parliaymento noong nakaraang July 27 sa botong 296 na pabor, 92 na laban at 15 ang nag-abstain. 

Sa panukala ng Democratic Party sa komite sa Senado, mula 12 ay naging 10 ang obligatory vaccination. Tinanggal ang meningococcal C at B, na irerekomenda na lamang ng Asl at ng pediatrician kung kinakailangan. 

Ang bagong aprubadong batas ay sumasaklaw sa enrollment sa nursery at kindergarten mula 0 hanggang 6 na taong gulang, ngunit magkakaroon naman ng pagkakaiba sa pagpapatupad mula elementarya, middle school, at unang dalawang taon sa high school, samakatwid hanggang sa edad na 16 anyos. 

Ang mga obligatory vaccination ay ang mga sumusunod: poliomyelitis, Diphtheria, tetanus, hepatitis B, pertussis at Heamophilus B. Habang ang iba pang 4 na bakuna ay obligatory matapos ang susunod na pagsusuri: measles, mumps, rubella at chicken pox.

Ang sampung bakuna ay hindi nangangahulugan ng sampung turok, ngunit sapat na ang 2: ang anim na bakuna ay maaaring magkakasama sa hexavalent: (poliomyelitis, Diphtheria, tetanus, hepatitis B, pertussis at Heamophilus B.) at apat na iba ay maaaring ibigay sa quadrivalent (measles, mumps, rubella at chicken pox)  

Nabawasan rin sa Senado ang yearly sanctions sa mga mag-eenroll ng hindi pa nababakunahan ang anak: mula 100 euros hanggang 500 euros samantala ang unang inaprubahan ay mula 500 hanggang 7500 euros. 

Tinanggal din ang panuntunan na nagtatanggal sa karapatan bilang magulang o parental authority

Sa bagong batas ay nasasaad ang pagtatatag ng anagrafe vaccinale na magbabantay sa mga aktibidad ng National Health Service kung saan nakatala ang listahan ng lahat ng mga nabakunahan, babakunahan at ang mga dosage na kailangan. 

Bukod dito ay nasasaad din sa bagong batas ang self-certification o autocertificazione para sa mga school staff at health or clinic operators. 

Samantala, ang reservations sa mga pharmacy ng mga obligatory vaccination ay walang bayad at manggagaling ang pondo mula Regione. 

Ang decreto vaccini ay inilatahla kahapon, Aug 7 sa Official Gazette. Ang pagpapatupad nito sa nalalapit na pagbubukas muli ng eskwela para sa School year 2017-2018 ay pahihintulutan hanggang Sept 10 para sa nursery at kindergarten at hanggang Oct 31 para sa ibang antas ng paggamit ang self certification o autocertificazione para sa mga bakunang natapos na at para sa schedule ng mga susunod na bakuna. Itinalaga naman para sa March 10, 2018 ang deadline ng pagsusumite ng updated na libretto di vaccini.

Simula noong June 14 ay maaaring tumawag sa numero 1500 kung saan sasagutin ng mga duktor at mga eksperto ng Ministry of Health at Istituto Superiore di Sanità ang mga katanungan bilang paglilinaw ukol sa bagong obligatory vaccination mula edad 0 hanggang 16 anyos. Ang serbisyo ay aktibo mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa official website ng Ministry of Health

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permit to stay, sapat upang matanggap ang maternity allowance mula sa Comune

Mga Pinoy, boluntaryong naglinis ng Piazza Garibaldi sa Cagliari