in

Banta sa Italya ng mga Jihadists, patuloy

“Dadating din kami sa Roma”, ang patuloy na pagbabanta sa Italya at sa Santo Padre. 

August 25, 2017 – Patuloy ang pagbabanta sa Italya at sa Santo Padre sa mga lumalabas na video at litrato mula sa mga official channels ng mga supporters at ilang website ng mga Jihadists.

Dadarating din kami sa Roma”, banta ng isang jihadist habang pinupunit ang litrato ng Santo Padre na makikita sa isang video. Bukod dito ay makikita ring binabasag ang mga rebulto ni Jesus Christ at Mama Mary at sinira din ang mga krus sa loob ng tila isang dasalan ng mga katoliko. 

Ang video ay inilabas kamakailan upang ipagdiwang umano ang tagumpay sa Marawi, sa labanan ng Abu Sayyaf at mga militar na naging sanhi ng pagkamatay ng daan-daang katao sa Pilipinas. 

Isang Telegram channel ang nagpalabas din ng imahe na  nagpahiwatig na ang Italya ang susunod na lugar matapos ang Barcelona kasabay ang mungkahi sa kanilang mga supporters ang “hangaring umatake gamit ang isang sasakyan” bilang pag-uudyok sa pag-atake ng mga lone wolves. 

Devi combatterli” o “O Muwahhid” ang makikitang nakasulat sa isang litrato kung saan may isang lalaki na may hawak na nakatagong patalim sa likod nito ang inilathala sa Site website.  

Gayunpaman, ayon sa mga ulat, ang litrato umano ay nagbuhat sa lumang video ng Is, na tila New York ang makikitang lugar ditto at nag copy-paste ang mga jihadists sa pagbabanta si Italya.

Kaugnay nito, binigyang diin ni prime minister Paolo Gentiloni   kamakailan na huwag magpatakot sa mga pagbabanta ng mga websites na ito dahil walang bansa, kahit ang Italya ang makakaligtas sa kanilang hangaring manakot. 

Matatandaang matapos ang pag-atake sa Spain ay higit na pina-igting ang seguridad sa lahat ng matataong lugar, kabilang na rin ang paglalagay ng mga hahadlang bilang proteksiyon sa mga pedestrian areas.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Back-to-school sa Italya, nalalapit na!

Black Squadron, puspusang naghahanda para sa World Karate Championship sa Spain