Sa unang pagkakataon ay bumisita ang ALERON male choir sa Milan, Italy matapos lumahok sa dalawang major choral competitions sa bansang France at Germany.
Sa unang pagkakataon bumisita ang ALERON male choir sa Milan, Italy sa pamumuno ng kanilang choir manager Miggi Angangco.
At bago tumulak sa Milan ang grupo ay lumahok sila sa dalawang major choral competitions sa bansang France at Germany kung saan matagumpay nilang nasungkit ang 1st prize sa male choir category sa 10th International Chortage Mainhausen sa bansang Germany noong buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan.
“When I talked to one of the the judges he said that the reason why we won, because we represented more varied repertoire, well they thought that we were very good in each one of them”, masayang kwento ni Angangco.
Umabot sa isang buwan ang kanilang paglilibot sa iba’t ibang bansa sa Europa. At sa unang pagkakataon sa Italy, pinili ng grupo ang Milan dahil sa pamamagitan ni Rev Father Bong Osial nabatid nila na ang Milan ang may pinakamalaking populasyon ng mga pinoy sa bansa.
Isang makabuluhang misa sa simbahan ng San Bernardino alle Ossa sa Milan ang isinagawa sa pangunguna ni Rev Father Bong Osial na kung saan ang grupo ng Aleron ay nagserbisyo at kumanta ng mga banal na awitin.
At pagkatapos nito, isang maikiling programa ang ipinamalas ng grupo.
Nabighani ang mga Pinoy at iba pang mga lahi sa mga ginintuang boses ng grupo sa kanilang pag-awit ng old latin songs. Hinangaan din ng lahat noong silay kumanta ng mga folkloric song tulad ng “pamulinlawen” at “leron leron sinta”.
Ayon pa sa manager, halos lahat sa kanilang grupo ay produkto ng Ateneo.
“Although not all of us now, we started recruiting different people from different networks, particularly from the University of the Philippines”.
Sinabi pa ni Angangco, ang mga miyembro nito ay mga alumni, na galing sa iba’t ibang unibersidad at kasalukuyang may kanya-kanyang propesyon na, tulad ng mga doctor, analyst, abugado, mga nagtuturo sa college of music at iba pang mga propesyon sa kanilang mga kursong natapos.
Matatandaang ang Aleron ang kumatawan ng Pilipinas sa ika-11 World Symposium on Choral Music sa Barcelona, Spain noong huling linggo ng Hulyo ng taon kasalukuyan.
“It is an event that happens every 4 years if I am not mistaken, it is attended by choir practioners, conductors, scholars, researchers, so for this event we are very very proud to be a part of it”, wika ng Aleron manager.
At sa kanilang pagbalik sa Pilipinas ay sabik silang ikuwento ang mga naging karanasan nila sa 1st European tour.
“We would like to share the many many lesson we’ve learned thru our trip here in Europe, thru the different audiences that we’ve mingled with, artist as well, and musicians”, dagdag pa Angangco.
Sa kanilang paglilibot sa Europa marami na rin aniya ang nakilala nilang iba’t ibang choir groups at marami na ang mga idea ang kanilang natutunan.
Kasabay ng kanilang tagumpay, isang hindi inaasahan pangyayari ang naranasan ng Aleron sa Germany. Ayon kay Angangco sila ay ninakawan sa loob ng bus sa pagkakaakala nila na pasahero umano ang umakyat sa kanilang bus subalit pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba din ito.
Ninakaw umano ng kawatan ang mga mamahalin gadgets at ang perang allowance ng buong grupo para sa kanilang European Tour.
ni: Chet de Castro Valencia
photo courtesy: Fr. Bong Osial SDB