in

Guardians International (GI) 1st Legion Montecatini Terme: bagong liderato, nanumpa

Kasabay ng pagdating ng mga bagong hamon sa GI 1st Legion Montecatini ay ang pagtatalaga ng mga bagong opisyales para sa susunod na dalawang taong termino na hahawak sa iba’t-ibang responsibilidad at tungkulin sa loob ng kapatiran. 

 

Magkasabay na isinagawa sa loob ng iisang okasyon ang eleksyon at Oathtaking-Induction ng bagong set of officers ng nasabing samahan na ginanap noong Hulyo 2017 sa Oratorio Murialdo ng Parokya ng Corpus Domini sa Via Marruota Montecatini Terme. 

Ang “Entrance of Colors” at pag-awit ng mga pambansang awit ng Pilipinas at ng Italya ang naghudyat ng simula ng programa na hinati sa dalawang parte.  Ang unang bahagi ay ang eleksyon na pinangasiwaan ng mga kinatawan ng GI 1st National Legion na siyang  nagsilbing Commission on Election. Hinikayat ang lahat  na kasapi na piliin ang mga nararapat na ilagay sa posisyon na siyang magiging tagapangasiwa ng samahan sa loob ng dalawang taon.

Ilang oras matapos ang nasabing eleksyon ay agad na sumunod ang ikalawang bahagi ng programa, ang Induction, Oath Taking Ceremony at Turnover of Command. Sa Welcome remarks, binati ng dating Presidente na si Quintin “Bossing” Cavite Jr. ang mga panauhin at nagpasalamat sa lahat sa suportang ipinakita sa kanya noong siya ay nasa posisyon pa bilang pangulo. 

Ang dalawang mahusay na emcees na sina Pcgs Isagani “Planner” Pascual, Presidente ng GI-national 1st legion at si Sir Teddy Perez ng AS-FIL Roma naman ang nagpakilala sa mga panauhin at masiglang nagpatakbo ng programa na sinumulan ng pagbibigay ng pambungad na mensahe ng Charter National Chairman ng GI 1st Legion na si Pcgs Diomedes “Nazareth” Larido na siyang panauhing pandangal sa okasyon. Kanyang ibinahagi ang kasaysayan ng pagkakatatag ng Guardians International 1st Legion sa italya at hinikayat ang lahat na lalong gawing mas matatag at produktibo ang kapatiran. Ayon pa sa kanya, maliban sa dedikasyon ng bawat miyembro isang pinakamahalagang elemento din ang pagiging matapat sa bahay ng guardians na kinabibilangan. Dagdag pa niya na ang pagkakaisa at pagsunod sa mga alituntunin ang siyang magdadala sa buong grupo upang maisakatuparan nito ang mga mithiing nasasaad sa kanilang constitution and bylaws.

Nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal sa pangunguna ng bagong pangulo na si Pres. Bryan “MF ECA” Aguilar  para sa dalawang taong termino bilang punong tagapamahala ng GI sa Montecatini. Ang panunumpa sa katungkulan ng naturang mga opisyales ay isinagawa sa harap ng mga representante ng iba’t-ibang mga organisasyon na dumalo.

Nakiisa sa ebento ang mga kinatawan ng ibang mga factions ng guardians ng mga karatig lugar na firenze at Probinsya ng Pistoia: ang Red Eagle Firenze, ang GSBII Bronzewing Firenze Chapter sa pangunguna ni Founder Edgar “Egay” Limon, ang RGI Alakdan Blue Falcon Chapter sa pangunguna ni Elmer “GMF El Torpedo” Alvarez,  at ang ibang mga panauhin mula sa Confed Tuscany sa pamumuno ni Vice Pres. Amy Bayongan, CFCT Board Council at Presidente ng Filipino Indipendenza Group na si Ponciano Jay-ar Penuliar, Timpuyog &Filipino Independence Group Jessie Lagrana, CFCT Commission Head Rights/Duties Migration Luz Paladin, CFCT Secretary/GPII Red Eagle Firenze President Teresita “MF Red” Rivera, at GPII Ram Prime Imelda “Ncfcrc Dyosa” Molina. Nagpaabot din ng pagbati sa pamamagitan ng text message si  Pres. Divina Viaje Capalad ng Confed Tuscany na hindi nakarating dahil sa personal na kadahilanan.

Taos-pusong pasasalamat sa mga kapamilya ng GI 1st legion na nagmula pa sa Roma sa pangunguna nina Pcgs Diomedes “Nazareth” Larido at Pcgs Isagani “Planner” Pascual ng GI 1st National Legion, Pcgs Teodoro “Amor” Evangelista, Pcgs Antonio “Falcon” Hernandez, Rmg Gibo at Rmg Rafnat ng GI 1st Legion Rome City, Cgs Cristina “Tina” Echague ng GI 1st Legion Vatican City, Pcgs Eduardo “Spike” De Borja ng GI 1st District Legion San Jose Bulacan.

Wala ng iinam pa sa panunumpa sa tungkulin sa harap ng mga kapatid sa balikat ng mga Guardians at sa ngalan ng ating Panginoon dahil kasabay ng panunumpa ay ang pagtanggap ng grasya buhat sa itaas upang maging mas epektibo at tapat ang paglilingkod upang maabot ang mga layunin ng mga Guardians. Ito ang mensaheng naiwan sa mga puso ng bawat isa sa pagtatapos ng okasyon. Inaasahang mas magiging matatag ang samahan ng GI 1st Legion sa buong Italya. 

Ang bagong pamunuan ay walang pag-aatubuling sisimulan ngayong buwan ng agosto ang kanilang panunungkulan.

Bagong pamunuan ng GI 1st Legion Montecatini Terme:

Director: Napoleon “SGMF SPADE” Rueda

President:  Bryan “MF ECA” Aguilar

Vice President-Legislature:  Lucia  Mylene “RMG SELLASCAT” Rutaquio

Vice President-Judiciary:  Mirasol “RMG BLACK ANGEL” Cabaltera

Secretary General:  Annabelle “MF SCHATZ” Torres

Director General:  Bonifacio “FRMG BONYX”  Cagabhion

General Treasurer:  Arsenia “RMG GEDISE” Gonzalvo

Auditor General:  Marites “FRMG JEWEL” Ablog 

General Comptroller: Marivic “FRMG ANGEL” Tantay

Finance General:  Louannie “RMG ROANN” Pacheco

Marshall Generals: Ricky “RMG COACH” Bondad, Emita “RMG EMZ” Santos

Information General:  Jeanette “RMG ALPHA” De Guzman

Senior Advisers:  Priscilla “SGMF BRIGHT” Sagun /  Quintin “SGMF BOSSING” Cavite Jr.

 

ni: Quintin Kentz Enciso Cavite Jr.

photo credits: Pcgs Diomedes “Nazareth” Larido

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bisikleta, yari sa frame ng kama!

Megan Padilla, ang Pinay Ballerina sa Bologna