Ang decreto di legge sa ius soli ay wala pa rin sa agenda ng palazzo Madama hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre.
Hindi pa rin tatalakayin ang ius soli sa Senado hanggang sa katapusan ng Setyembre.
Ito ay napag-alaman matapos ang party head meeting sa palazzo Madama.
“Ang aming posisyon ay alam ng lahat, nananatili ang aming pananaw ukol sa ius soli, ayaw namin itong talakayin ngunit hangarin naming aprubahan ang batas na ito na nananatiling aming layunin. Upang ito ay maaprubahan ay nangangailangan ng majority sa Senate na sa mga panahon ngayon ay wala. Inaasahan ko na ang politika sa mga susunod na araw at linggo ay magbunga ng positibong solusyon sa problema”, ayon sa presidente ng Senado ng Pd, Luigi Zanda sa pagtatapos ng party head meeting kung saan nakumpirma na wala sa agenda ng Senado ang sa mga tatalakayin hanggang katapusan ng buwan ng Setyembre.