in

Camille Cabaltera, pinahanga ang lahat sa unang gabi ng X Factor 11

Ang pambihirang boses ni Camille ang kumuha sa atensyon di lamang ng publiko bagkus pati ng apat na judges sa pagbubukas ng ika-11 edisyon ng X Factor.

 

Sinimulan noong Huwebes ng gabi ang ika-11 edisyon ng tanyag na talent show sa bansa, ang X Factor. 

At isang heavenly voice ang napakinggan ng lahat mula sa isa sa mga contestants ng unang gabi na tila magnetong humila sa atensyon ng publiko partikular ng apat na judges/mentor ngayong taon na sina Fedez, Manuel Agnelli, ang new entry na si Levante at ang nagbabalik na si Mara Maionchi.

Ilang saglit pa ay ang matamis na ngiti ng dalagang tumutugtog sa pianoforte na mayroong pambihirang tinig at sinundan pa ng rap ang natunghayan at hinangaan ng apat. 

Siya si Camille Cabaltera, ang 17 anyos na dalagang ipinanganak sa Maynila na ngayon ay naninirahan sa Florence, ang binigyan ng standing ovation ng publiko at apat na ‘SI’ na nagpapahintulot sa dalagang manatili sa talent show. 

Ang mag-aaral sa liceo musicale Forteguerri-Vannucci sa Pistoia sa kanyang rendition ng bagong awitin na “Worth it” ay higit na nagbigay highlight sa kanyang vocal capacity at nagpahintulot sa kanyang makapsok sa unang round at itanghal na pinakamahusay sa unang gabi ng talent show! 

Bukod dito, sa ngayon ay trending sa Youtube at ika-siyam ang kanyang naging performance noong nakaraang gabi. 

 “Non ci posso credere. Grazie davvero a tutti”, ayon sa post sa social network ni Camille. 

 

 

Buong paghanga at pananabik kang aabangan ng iyong mga tagahanga at mga kababayan Camille!!! 

 

larawan: X Factor Italia

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy gang, timbog ng pulisya sa Roma

Birth certificate mula sa PSA, paalalang requirement sa renewal ng pasaporte ng mga menor de edad mula PE Rome