in

Birth certificate mula sa PSA, paalalang requirement sa renewal ng pasaporte ng mga menor de edad mula PE Rome

Kami ay nananawagan sa Embahada ng Pilipinas, sa pangunguna ni Ambassador Domingo Nolasco, na kung hindi man maaabot ng aming pang-unawa ang bagong renewal requirement na ito ay sagutin ang ilangaming katanungan at ipaliwanag ang ‘Paalala’ na ito sa komunidad.

 

Kailangang magdala ng Birth certificate na inisyu o in-authenticate ng Philippine Statistics Authority (PSA) upang tanggapin ang aplikasyon para sa pag-renew ng pasaporte ng mga menor de edad o 17 anyos pababa”.

Ito ang malinaw na nasasaad sa isang PAALALA mula sa PE Rome na mabilis na kumalat sa social network at lubos na ikinagulat ng maraming Pilipino na mayroong mga anak na menor de edad ay sa Italya. 

Para sa aplikanteng may kasalukuyang pasaporte na hindi nakasaad ang siyudad o munisipyo ng kapanganakan sa Palce of Birth/Lugar ng Kapanganakan”, makikita pa rin sa Paalala. 

Isang bagay na dapat linawin ng Embahada sa Roma sa libu-libong Pilipinong mayroong anak sa bansa. Una, bilang isang ‘Paalala’, ito ay nangangahulugang pinairal na sa nakaraan o umiiral pa hanggang sa kasalukuyan. Kung ito naman ay isang bagong kautusan ay nararapat na malaman ng komunidad ang batayan o lohika ng naging anunsyo. 

Bakit kamo… Bilang normal na proseso, bago pa man kamtin ang bagong isyu na pasaporte ay tinitiyak muna ang pagsusumite ng mga requirements una na dito ang Birth Certificate upang mahigpit na masuri ng mga ahensya ng gobyerno ng sa gayon ay maipagkaloob ng walang pagdududa ang pasaporte sa nag-aplay nito. Partikular ang mga ipinanganak sa Italya, bukod sa pagsusumite ng Italian birth certificate ay obligadong gawin rin ang ‘Report of Birth’ sa pag-aaplay ng unang pasaporte. Gayun din ang mga menor de edad na hindi ipinanganak sa Italya, na sa pag-aaplay ng unang pasaporte ay nagsusumite na rin ng Birth Certificate. 

Samakatwid, malinaw na ang dokumentong tinutukoy sa ‘Paalala’ sa pagre-renew ng pasaporte ng mga menor de edad ay dokumentong isinumite na sa Embahada o sa ahensya ng gobyerno na nag-isyu nito.

Bakit sa renewal, marahil ay ikatlong o ika-apat na sa ibang menor de edad, ay hihingin MULI ang inisyu o in-authenticate ng PSA na birth certificate? 

Malinaw na ang PSA authenticated birth certificate ay isang ‘krus’ para sa mga Pinoy sa Italya na magdudulot ng dagdag gastos at panahon. Alam naman nating lahat na hindi madali ang kumuha ng anumang dokumento sa Pinas, lalo na’t ang aplikante ay nasa ibang bansa. Kaya nga tuwang-tuwa ang mga overseas Filipino sa pangakong pagbabago ng kasalukuyang gobyerno: ‘we will make the lives of all OFWs easier’ na pinaniniwalaan, inaasahan at pinanghahawakan ng ilang milyong Ofws sa buong mundo. 

Ngunit ang hindi pagsasaad ng siyudad o munisipyo ng kapanganakan sa Place of Birth/Lugar ng Kapanganakan ng ILAN ay dapat bang magdulot ng pahirap sa LAHAT ng menor de edad na magre-renew ng pasaporte sa Italya? 

Kami ay nananawagan sa Embahada ng Pilipinas, sa pangunguna ni Ambassador Domingo Nolasco, na kung hindi man maaabot ng aming pang-unawa ang bagong renewal requirement na ito ay sagutin ang ilangaming katanungan at ipaliwanag ang ‘Paalala’ na ito sa komunidad.    

Pangunahing layunin at tungkulin ng Philippine Post o ng Emabahada at Konsolado ay para proteksyunan, magbigay ng serbisyong mabilis at maasahan bukod pa sa masinop na dokumentasyon ang mga Pilipinong mangagawa at ang kanilang mga pamilya sa ibayong dagat dahil dito ay inaasahan ang mabilis na pagtugon sa mga Mangagawang Pilipino sa Italya. 

 

Ang ilang opinyon ng mga Pilipino sa social media ukol sa ‘Paalala’

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Camille Cabaltera, pinahanga ang lahat sa unang gabi ng X Factor 11

15,000 entries para sa vocational courses at internship, aprubado para sa taong 2017/2019