in

15,000 entries para sa vocational courses at internship, aprubado para sa taong 2017/2019

15,000 entry visas para sa mga dayuhan, na nagnanais na matuto ng propesyon at magkaroon ng trabaho sa Italya.

 

Ito ay tumutukoy sa susunod na tatlong taon kung saan pahihintulutan ang pagpasok ng 15,000 libong mamamayan para sa mga vocational courses at interships. 

Ang bilang o ‘quota’ ay inaprubahan sa pamamagitan ng isang dekreto noong July 24, 2017, at inilathala sa Official Gazette n. 211/2017.  Ito ang nagtatalaga sa pagpasok ng mga dayuhan para sa mga taong 2017/2019 o ang tinatawag na ‘Triennium’. Ito ay sa kabila ng under-utilization ng quota sa huling tatlong taon. Sa katunayan ay nagkaroon ng 4,524 hiring lamang sa mga taong 2014/2016 o ang 30% ng 15,000 entries lamang ang napakinabangan. 

Matatandaang ang Immigration law (inaprubahan ng Dlgs No. 286/1998) ay ang batayan sa mga partikular na kaso ng pagpasok ng mga non-EU nationals sa bansa. Una sa mga kasong ito ay ang pagpasok ng mga dayuhan para sa vocational courses at para sa panahon ng pagsasanay sa mga Italian employers na nasasakop ng subordinate job o lavoro subordinato (artikulo 27, talata 1, letra f ng Dlgs bilang 286/1998). 

Ang Ministerial Decree ng Hulyo 24, 2017 samakatwid ay nagtakda ng bilang sa pagpasok sa mga taong 2017/2019, ng kabuuang 15,000 entries:

a) 7500 ang nakalaan sa sinumang magpapatala sa vocational courses na inorganisa ng mga auhtorized institutions, may duration ng 2 taon at nakalaan ang pagbibigay ng kwalipikasyon o certificate ukol sa kursong pinasukan. 

b) 7500 ang nakalaan naman sa internship ng mga nakatapos ng vocational course. Ito ay gagawin ng mga promoters na nasasaad sa batas tulad ng employment centers, paaralan, unibersidad o mga non-profit organizations. 

 

MINISTERO DEL LAVORO E DELLE POLITICHE SOCIALI

DECRETO 24 luglio 2017

Determinazione del contingente triennale 2017/2019 per l’ingresso nel territorio nazionale di cittadini stranieri per la partecipazione a corsi di formazione professionali e tirocini formativi.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Birth certificate mula sa PSA, paalalang requirement sa renewal ng pasaporte ng mga menor de edad mula PE Rome

Pagpasok sa Italya sa pamamagitan ng vocational course o internship, narito ang proseso