Ipinapaalala ang nalalapit na due date sa pagbabayad ng bollettini Inps para sa mga colf at caregivers ay Oct 10. Samantala, may panukalang dagdagan o itaas ang halaga nito.
Ang contributi Inps ng mga colf o domestic worker at caregivers ay nagbabago taun-taon. Ito ay batay rin sa halaga ng sahod, oras ng trabaho at sa uri ng kontrata – kung indeterminato o determinato. Samakatwid, ang employer matapos itakda ang halaga ng kontribusyon ay kinakalkula at binabayaran tuwing ikatlong buwan.
Sa katunayan, ang third quarterly payment naman ay sa October 10 at ang huling payment ay may due date na Jan 10, 2018.
Ang hindi pagbabayad ng kontribusyon hanggang sa mga petsang binanggit ay may karampatang multa mula sa Inps.
Kung sakaling ang hiring ay magtatapos, ang 10 araw na palugit para sa pagbabayad ng kontribusyon ay magmumula sa huling araw ng trabaho.
Para sa mga colf at caregiver, ay gagamitin ang bollettino MAV, sa pamamagitan ng Reti Amiche network (kung saan kasama rin ang mga tobacco shops, over the counter ng Unicredit bank) at online sa pamamagitan ng website ng Inps.
Samantala, may panukalang dagdagan o itaas ang halaga ng kontribusyon sa domestic job. Ito ay makikita sa seksyon ng pension batay sa suhestyon ng lang labor union o sindacati sa nalalapit na presentasyon ng Legge di Bilancio ngayong Oktubre sa Gobyerno.
Layon umanong gawing mas malaki ang halaga ng kanilang pension sa pagdating ng kanilang pension age.
Marami na ang tumutol sa panukala dahil ito ay karagdagang gastos para sa mga pamilyang nangangailangan ng mga manggagawa.
Matatandaang ayon sa ilang ulat mula sa statistics, ang hiring ng isang regular caregiver at ang pagbibigay ng minimum wage ayon sa CCNL ay nagkakahalaga ng 15,000 euros kada taon.
Basahin rin:
Pagtaas ng kontribusyon ng mga colf, magkakahalaga hanggang 1000 euros