in

Pagtaas ng kontribusyon ng mga colf, magkakahalaga hanggang 1000 euros

Ang pagpapataas ng kontribusyon ng colf at care givers ay marahil umabot hanggang 1000 euros sa budget ng mga pamilya. 

 

 

Ang panukala, hangaring maiwasan ang masyadong mababang halaga ang pensyon ng mga colf, ay mula sa mga labor unions na nangangalaga sa karapatan ng mga colf na tumatanggap ng mababang kontribusyon. Ngunit ang pagtaas na nabanggit ay naka-atas sa mga employer o pamilya na nag-empleyo sa colf, care givers o baby sitters. 

Sa dokumento na ipinadala ng CGIL, CISL at UIL sa pamahalaan ay nasasaad ang mas mataas na kontribusyon para sa mga colf at sa parehong dokumento ay nasasaad rin ang hangaring ipahinto ang pensionable age sa edad na 67 anyos para sa lahat ng mga workers. 

Sa ngayon ang kontribusyon ng mga colf na binabayaran ng mga pamilya, ay mayroong dalawang antas: standard para sa mga hiring hanggang 24 hrs kada linggo at ang half mula 25 hrs pataas. Layunin nito ay upang hindi maging mabigat para sa mga pamilya ang pagkakaroon ng full-time colf. 

Sa dokumento ay hinihiling ng mga unyon ng manggagawa ang pagbabayad ng “buong kontribusyon kahit higit sa unang 24 oras sa isang linggo”. Tinatayang aabot sa higit na 500 hanggang 650 euros para sa mga kontrata mula 25 hanggang 29 hrs. Mula naman sa 50 hrs pataas, ang karagdagang halaga ay tinatayang 1,050 hanggang 1.250 euros at sa pagkakataong ito ay para sa mga caregivers na full time. 

Mag-ingat na hindi ilagay ang posibleng pagtaas sa balikat lamang ng mga employers”, ayon kay Andrea Zini, ang Vice president ng Assindatcolf, ang asosasyon ng mga employers sa domestic job o ang mga pamilya na mayroong colf at caregivers. Ngunit sa pagkakataong ito ang panganib ay ang mahulog ang karamihan sa lavoro nero.

Ang counterproposal naman ng Assindatcolf ay itaas lamang ang kontribusyon kung sakaling may pagkakataong ang buong halaga ay maide-declare sa tax return. Sa ganitong kaso, ang increase ay babalikatin ng estado sa pamamagitan ng mas mababang babayarang tax na matatanggap nito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

October 10, due date ng kontribusyon sa Inps

Mga Dapat malaman tungkol sa Chikungunya Virus