National Remembrance Day for the victims of immigration, paggunita sa mga naging biktima ng imigrasyon.
Mula sa simula ng 2017, ay naitala ang 2,681 mga migrante ang nasawi sa Mediterranean sea. Ang bilang na nabanggit ay tataas hanggang 15,000 kung isasaalang-alang ang huling tatlong taon, mula 2014 hanggang ngayon.
Ito ay bilang na inilabas ng Ismu sa ikalawang taon ng National Remembrance Day for the victims of immigration bilang paggunita sa mga naging biktima ng trahedya ng imigrasyon noong Oct 3, 2013. Matatandaang sa largo dell’isola sa Lampedusa ay 368 migrante ang sumakabilang buhay sa isa sa mga pinaka malalang trahedya sa Mediterranean.
Ngayong 2017 ay kasalukuyang nag-tatala din ng malaking bilang ng mga namatay (93.3% ng mga kaso ay papuntang Italya). Samantala 2,600 naman ang naitalang mga namatay at nawala mula Jan 1 hanggang Sept 29 ngayong taon.