in

Hunger Strike, higit sa 800 mga guro sa Italya

Sa maraming mga paaralan sa buong bansa, mula kahapon ay nagpapatuloy ang hunger strike na pinamumunuan ng daan-daang mga guro upang hingin na aprubahan ang batas sa Ius Soli.

 

Kasabay ng paggunita ng National Remembrance Day for the victims of immigration sa ikalawang taon kahapon, ay sinimulan ang hunger strike ng daan-daang mga guro. Tinatayang aabot sa 840 ang mga guro sa buong Italya (karamihan ay sa Roma) ngayong araw na ipinaglalaban ang Ius soli ng walang pagkain at tubig lamang. 

Sa mga paaralan ay aming itinuturo ang pagkapantay-pantay sa karapatan ng mga mamamayan ngunit ang mga mag-aaral na dayuhan ay hindi maaaring ganap na mamamayan”, paliwanag ni Barbara Iannarilli ng elementary school ng Oberdan sa Roma. 

Ang mga gurong nakiisa sa hunger stike kahapon ay mayroong hawak na ribbon na may tatlong kulay ng bandila ng Italya na nangangahulugang “Lahat ng mga bata ay Italians”. 

Sa katunayan, ang mga guro, ay naglunsad din ng petition online #insegnantiperlacittadinanza na layuning suportahan ang reporma na naka-pending sa Senado. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

2,681 mga nasawi sa Mediterranean ngayong 2017: Ismu

IUS SOLI: 800,000, bilang ng mga new Italians