in

‘Kumustahang walang puknat’ – Mabinians

Kumustahang walang puknat, ito ang tema sa unang unang Grand Reunion ng mga Mabinians mula sa iba’t ibang bahagi ng Italya.

 

 

Modena – Isang makasaysayang pagtitipon ang ginanap sa Modena nitong Setyembre kung saan ang mga Mabinians ay muling nagtagpo-tagpo sa isang Grand Reunion. 

Ang mga magkamag-anak, mag-kaibigan, magka-kaklase kasama ang kanilang mga guro, mag-kapitbahay, magkakalaro, magkukumare at kumpadre na sa kasalukuyan ay naninirahan sa kanilang ikalawang tahanan, ang Italya ay nagkaroon ng tila walang puknat na kumustahan. 

Tanging layunin nito ay ang magkasama-sama ang mga tiga-Mabini. Ito’y isang araw ng pagdiriwang, mga palaro at kasiyahang walang humpay. 

Ito’y mahalaga ng sobra! Nitong Abril ay hindi natuloy ang pagtitipon ng Mabinians Modena dahil sa naging lindol sa Mabini dahil maraming pamilya namin ang apektado. Kung kaya’t napagkaisahan namin ang mag-organisa ng isang event”, ayon kay Ian atienza, ang Vice President ng Mabinians Modena. 

Samantala, pasasalamat naman ang mensahe ni Dennis Ilagan, ang Presidente ng Mabinians Modena. 

Hindi ko maipaliwanag ang tuwa sa tagumpay ng unang grand reunion na ito. Napakaraming tumugon at nagpa-unlak. Sa kabila ng lakas ng buhos ng ulan ilang araw na ang nakakaraan, isang maganda at mainit na sikat ng araw ang ibinigay kasabay ang pagdagsa ng mga maraming panauhin”. 

Partikular, nagpapasalamat si Ilagan sa pagbisita ng alkalde ng Modena, si Honorable Giancarlo Muzzarelli.

Isang malaking karangalan ang maging panauhin ng atiing syudad ang mga masisipag na Pilipino buhat sa iba’t-ibang bahagi ng Italya”. 

Usapang walang puknat mula sa mga grupo at asosasyong dumalo kabilang ang Mabini Hometown Association Rome, Association of Brgy. Bulacan of Rome, United P. Niogan Rome, Talaga Est Global Association Rome, Mabini Hometown Association Firenze, Mabini Volunteers Rome, Mabini Hometown Association – Milan, Our Lady of Lourdes P. Anahao – Milan, Mabinians of Treviso, Mabinians of Bassano, Rizaliana Kawayanan, Mabinians of Brescia, Mabinians of Rapallo. 

 

PGA

larawan: Allan Atienza

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halos 900,000, nasa domestic sector sa Italya

Annual Gala Dinner ng Cofilmo, dinaluhan ni Mayor Muzzarelli