“Mi chiamo Gabrielle e ho 16 anni. Sono un tipo allegro e determinato. So’ asiatico, so’ pigro, so’ tondo e me piace magnà”.
Nagbabalik ang docu-reality, ‘il Colleggio’ sa ikalawang edisyon nito kung saan ibinalik ang 18 kabataan sa nakaraan, sa taong 1961. Ang 9 na lalaki at 9 na babaeng mga protagonists ay magsusumikap na matapos ang middle school sa Collegio Convitto di Celana di Caprino Bergamasco na itinatag noong 1579 ni San Carlo Borromeo, sa panahong malayo pa ang modern era. Samakatwid, walang smartphone at kahit computer.
At kabilang sa mga protagonist ang maipagmamalaki ng Fil community sa Roma, si Paul Gabrielle Sarmiento, bilang isang mag-aaral kasama ang ilang mga kabataan may edad mula 13 hanggang 17 anyos buhat sa iba’t ibang bahagi ng Italya.
Mas kilala sa tawag na ‘Gab’, 16 anyos at kasalukuyang nasa ikatlong taon ng Liceo Scientifico ‘Business and Marketing’. Isa sa magaling na mag-aaral si Gab sa lahat ng subjects, may rispeto sa mga regulasyon hindi lamang sa sariling tahanan kundi pati sa paaralang pinapasukan. Mahusay rin ang pakikitungo ni Gab sa mga mas matanda sa kanya at pati na rin sa kanyang mga ka-edad.
Suportado nina Noel at Maribel, mga magulang ni Gab na parehong tubong Batangas, ang hilig sa kanta at saway ng bunsong anak. At upang mapalalim pa ang talentong ipinagkaloob sa kanya, hindi nagdalawang-isip si Gab na ibahagi ang talentong ito sa Filipino community sa Italya. Aktibong miyembro si Gab ng Pinoy Teens Salinlahi, isang grupo ng mga kabataang ipinanganak at lumaki sa Italya na may layuning ipakita ang yaman ng sining ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga folk dances at traditional songs. Dahil dito ay pinarangalan si Gab bilang ‘Outstanding Youth Star Leader’ noong Disyembre 2016 sa Milan.
Bata pa lamang ay napatunayan na ni Gab ang pagiging isang tunay na mang-aawit ng tanghaling ‘Batang Idol’ noong Mayo 2013. Ito ay isang kumpetisyon ng mga kabataang mang-aawit na Pilipino.
Ngunit nagpatuloy ang kanyang pangarap na maging isang tunay na bida sa kanyang pagpasok sa ‘Il Collegio2’. Pangarap na nais patunayan ang angking talento lalo na’t sa nakaraan ay halos walang maniwalang malayo ang kanyang mararating.
Hindi magiging mahirap para kay Gab ang partesipasyon sa ‘Il Collegio 2’ kumpara sa ilang mga mag-aaral dahil ugali niya ang pagiging masunurin. Kinikilala at mataas ang rispeto nya sa mga propesor.
Ngunit ito ay hindi nangangahulugang wala na syang hamong haharapin. Partikular, ang mapalayo sa kanyang mga magulang at mga kuya na sina Adrian at Patrick, 25 at 23 anyos.
“Casa, una breve semplice parola formata solamente da due sillabe, capace di trasmettere una forte grande emozione”, salitang buhat kay Gab na patunay lamang ng pagmamahal sa kanyang pamilya.
Kasama na rin dito ang kawalan ng komunikasyon sa real world dahil tulad ng ibang mga kabataan, mahilig din si Gab sa social media na bahagi na ng kanyang hilig sap ag-awit.
Ngunit sa pamamagitan ng armas na kanyang dala: ang talento at magandang pag-uugali na larawan ng isang tunay na Pilipino, ang magiging susi upang marating ang kanyang mga pangarap.
“Il 16enne, di origine asiatica ma con un notevole accento romano, si è rivelato molto simpatico e autoironico, sensibile e attento ai compagni. È sicuramente uno degli allievi più diligenti, che han dimostrato di sapersi adattare alle regole del Collegio pur sapendosi anche divertire e facendo divertire gli altri”.
Narito ang ilan sa mga natanggap na parangal ni Gab:
- Junior Winner Uno Lounge Voice – 2013
- Junior Winner of Piccole Stelle Cantano (Roma) in collaboration with UNICEF – April 2013
- 2nd Place Glamorize Top Voice – March 2015
- Junior Category winner of “You are the next Star” – June 2015
- Uno dei Miglior Studenti 2014-2015 (Giorgio Ambrosoli)