Parami ng parami ang mga nakikiisa upang ganap na maaprubahan ang ius culturae o batas sa citizenship.
Umabot na sa 725 katao ang nakikiisa sa hunger strike.
Ito ay ayon kay Sen. Luigi Manconi, isa sa promoters ng inisyatiba. Kabilang sa kanila sina musician Paolo Fresu, Architect Renzo Piano, Undersecretary Luigi Bobba, Alex Zanotelli, Turin Education Commissioner Federica Patti, Senator Giancarlo Sangalli, Director Andrea Segre at giornalist Chiara Valerio. Mabibigat na supporters naman sina Minister Graziano Delrio, pati sina Deputies Mario Giro, Benedetto della Vedova at Andrea Olivero.
Kamakailan ay nagpahiwatig rin ng pakikiisa sina ‘Libera’ founder Don Luigi Ciotti, DEM deputies Edoardo Patriarca at Khalid Chaouki, Economy Undersecretary Pier Paolo Baretta, Antimafia Committee Chairman Rosi Bindi, MEP David Sassoli, Francesca Chiavacci at Filippo Miraglia, presidente at bise presidente ng Arci.
Samakatwid, nagpapatuloy ang sinumulan na hunger strike noong Oct 3 ng higit sa 800 mga guro kasabay ang pangangalap ng kinakailangang 50,000 signatures upang ilagay sa agenda ng Senado ang diskusyon ng reporma at masiguro ang pagkakaroon ng sapat na boto nito.
Samantala, sa Oct 13 naman ay gaganapin sa Montecitorio ang “Cittadinanza Day” sa pangunguna ng ‘Italiani senza cittadinanza’ kasama ang ‘L’Italia sono anch’io’. Ito ay ang ikalawang taong anibersaryo ng aprubahan sa House ang reporma. Makikiisa rina ng mga asosasyon, mga guro at propesor sa mg unibersidad na syang nagpasimula ng hunger strike.