in

Rasismo laban sa mga Pinoy sa Cagliari, inireport ng Italyano sa pulisya

Isang aksyon ng rasismo laban sa mga residenteng Pilipino sa Cagliari ang ini-report ng isang Italyano sa awtoridad. 

 

 

Cagliari – “Mga hayop, bumalik kayo sa gubat“. Ito ay bahagi lamang ng masasakit na salita at nakakagulat na aksyon ng rasismo laban sa mga Pilipino sa Cagliari.

Ayon sa ulat ng cagliarionline, isang italyanong lihitomong residente sa Cagliari ang nakakita kamakailan ng karatola na nakakabit sa isa sa mga residential building sa Via Sonnino kung saan nasusulat ang masasakit na salita laban sa mga Pilipino. 

Mga hayop, bumalik kayo sa gubat. Umalis kayo sa building na ito, hindi kayo tanggap dito”. 

Ayon pa sa ulat, hindi nagdalawang-isip si A.C., ang nakakitang Italyano at inireport ito sa pulisya. 

Nagtungo ako sa pulis at nireport ang aking nasaksihan. Ikakabit ko rin sa mga pader ang report sa pulis”, ayon pa sa report.

Sa building na nabanggit ay naninirahan ang mga Pilipino at wala pang anumang ulat ng rasismo laban sa kanila ang naitala sa nakaraan. 

Mabubuting pamilyang ang mga residenteng Pilipino. Lahat ay may regular na permit to stay bukod pa sa pagkakaroon ng rehistradong kontrata ng upa ng apartment. Sila ay tahimik at wala kahit kailan ang nagreklamo laban sa ingay o gulo nila”, dagdag pa ni A.C. 

Upang sagutin ang mga gumawa nito, “Ikakabit ko rin ang police report kung saan hinihiling ko na mahuli ang mga taong gumawa nito”. 

Gayunpaman, para sa ating mga kababayang residente sa Via Sonnino, panatilihin po natin ang pagiging kalma at ipagkatiwala sa batas ang gumawa ng anumang aksyon laban sa mga gumawa nito. Ating higit na ipakita ang pagiging isang komunidad na sumusunod sa alituntunin at hindi naglalagay ng batas sa ating mga kamay.  

 

source: Cagliari online

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Hunger strike para sa batas ng citizenship, parami ng parami ang nakikiisa

Higit sa 500 irregular social pensioners, natuklasan ng GdF