in

Higit sa 500 irregular social pensioners, natuklasan ng GdF

Sampung taong residency sa Italya upang matanggap ang ‘pensione sociale’ ng habangbuhay. Ito ang ginamit na formula ng mga ‘pensioners’ na natuklasan ng Guardia di Finanza kamakailan.

 

Upang matanggap ang social benefit sa pagsapit ng 65 anyos, na hindi kwalipikadong matanggap ang old age pension ay obligadong manatiling naninirahan sa Italya. Ngunit karamihan sa mga dayuhang tumatanggap ng benepisyo na buong tinatanggap ang halagang 450 euros kada buwan sa loob ng 13 buwan ay nasa labas ng Italya at wala ng sapat na requirement upang matanggap ito. 

Umabot sa higit 500 ang mga kasong natuklasan ng Guardia di Finanza at inaasahang tataas pa ang bilang ng binibigyan ng Inps ng social benefit: Italians, Europeans at non-Europeans matapos mapatunayan ang pananatili sa bansa ng 10 taon (na hindi rin obligado bago ang 2009), at ang pagiging mahirap.  

Ayon pa sa mga ulat, tinatayang aabot sa 10.3 million ang danyos sa mga sinuring 39,742 social pensioners na tumatanggap ng social benefit sa mga dayuhan, natuklasang 479 ng mga social pension na ito ang irregular o hindi na kwalipikadong matanggap ang benepisyo ngunit patuloy itong natatanggap. 

Sa Roma lamang ay tinatayang 46 ang kaso ng irregulars at nagkakahalaga ng 801,254 euros ang natanggap na social pension. Sa Milan naman ay umabot ng halagang 817,352 euros sa 27 pensioners lamang. Ikatlo naman ang Bari kung saan natuklasan ang kabuuang 635,790 euros ng inilabas na irregular social pension.   

Ang mga pensioners na Italians, Europeans at non-Europeans ay napag-alamang Italya ang ginagamit na legal residence ngunit natuklasang naninirahan sa United States, France, Spain at iba pang bansa. Napag-alaman din na maraming pensioners ang hindi nasa kahirapan ang pamumuhay. 

At mayroon ding 517 Italians na natuklasang naninirahan sa ibang bansa na matapos mapatunyan ang pagiging kwalipikado sa benepisyo ay lumipad at nanirahan sa ibang bansa.  Ayon pa sa ulat, tinatayang 16.5 million euros ang danyos na hatid nito. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Rasismo laban sa mga Pinoy sa Cagliari, inireport ng Italyano sa pulisya

ora-solare-Ako-Ay-Pilipino

Ora Solare 2017, muling nagbabalik!