in

Libreng kurso para sa Integrasyon sa pamamagitan ng Sports, hatid ng CONI

Basic Technical Training para sa Integrasyon sa pamamagitan ng Sports. 

 

 

Ang Ministry of Labor and Social Policies at CONI, bilang bahagi ng mga aktibidad na nasasaad sa Accordo di Programma 2016-2017 sa pagsusulong ng integrasyon sa pamamagitan ng sport, ay magbibigay ng 3 libreng kurso ng Basic Technical Training mula sa CONI Regional School of Sports para sa mga kabataang imigrante o mayroong immigration background.

Ang unang mga kurso ay magsisimula sa Lombardy at Emilia Romagna Regions bilang experimental courses.

Partikular sa Parma sa Oct 24 – 25, Nov. 7, 16, 21, 22, 27, 28 at Bergamo sa Oct. 14, 21, 28, Nov 4, 11 and 18 ay sisimulan ang nasabing kurso.

Ang mga nais na mag-aplay ay dapat na:

  • 30 anyos pababa 
  • mayroong regular na permit to stay at mamamayan ng anumang Third Countries o naging Italian citizen pagsapit ng 18 anyos
  • mayroong diploma ng Scuola Media or Middle School

Narito ang aplikasyon sa Parma at Bergamo

Pagkakalooban ng diploma “Istruttore giovanile di base” ang mga magtatapos ng kurso.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

It’s more fun in the Philippines, sa Milan

Aninong di mapag-imbot