Magandang araw po. Ako ay isang colf at nais ko pong itanong kung kailan ko makukuha ang tax refund sa 730 na aking ginawa noong nakaraang Hunyo.
Ang trabaho bilang colf, caregivers at babysitters ay mayroong pagkakaiba sa ibang uri ng trabaho. Partikular, dahil ang employer sa domestic job, ayon sa artikulo 4 talata 6 ng DPR bilang 322/1998, ay hindi maituturing na withholding agent. Dahil dito, ay hindi maaaring gawin ang tax deduction o hindi maaaring gawin ang anumang operasyon sa ginawang 730 o income tax declaration ng worker.
Samakatwid, ang tax refund, sa kaso ng mga colf ay magbubuhat sa Agenzia dell’Entrate at ito ay nangangailangan ng higit na panahon at karaniwang natatanggap bago magtapos ang taon.
Gayunpaman, ipinapayong ipagbigay-alam ang bank account details o IBAN upang mapadali ang proseso ng tax refund gamit ang angkop na tax refund form para sa bank accreditation.
Ang form na ginagamit para ibigay ang IBAN ay kailangang gawin ng tax payer sa:
- online – kung mayroong pincode ng Agenzia dell’entrate
- sa pinakamalapit na tanggapan ng Ageniza dell’entrate.
Kung hindi naibigay ang bank account details, batay sa halaga ng tax refund ay matanggap sa pamamagitan ng:
- kung ang halaga ay mas mababa sa halagang €1000.00 kasama ang anumang interes, ang tax payer ay makakatanggap ng komunikasyon upang tanggapin ang halaga ng cash;
- kung ang halaga ay mas mataas sa halagang nabanggit, ang tax refund ay matatanggap sa pamamagitan ng vaglia ng Banca d’Italia.
sources: Agenzia dell’entrate,