Masusing pagtutugis ng Guardia di Finanza matapos matuklasan ang kawalan ng dichiarazione dei redditi at hindi pagbabayad ng buwis ng dalawang Pilipino sa Cecina.
Livorno – Higit sa 75 mga colf at caregivers ang sumailalim sa imbestigasyon ng Guardia di Finanza sa Livorno. Ito ay matapos matuklasan ang pagkakaroon ng regular na employment contract ngunit walang anumang record ng income tax return at hindi kailanman gumawa ng deklarasyon sa Agenzia dell’Entrate.
Ayon sa ulat, ang imbestigasyon ay nagsimula matapos ang isang normal ramdom control sa income tax return at pamumuhay ng ilang mamamayan sa Bassa Val di Cecina, Livorno. Partikular, sumailalim sa control ang isang businessman sa lugar na mayroong dalawang regular na colf, parehong Pilipino.
Bukod sa businessman, pati ang dalawang colf na Pinoy ay sumailalim rin sa pagsusuri at natuklasan ng Guardia di Finanza na ang dalawa ay hindi kailanman gumawa ng income tax return sa kabila ng pagkakaroon ng taunang kita na higit sa € 8,000. Ito ay ang halagang itinakda ng batas sa paggawa ng incone tax return. Sa katunayan, ayon sa batas, lahat ng mga domestic workers, anuman ang nasyunalidad, ay may obligasyong gumawa ng dichiarazione dei redditi o tax return kung ang sahod ay lampas sa itinakdang yearly gross income, € 8,000.
Ito ang nagtulak sa mas malalim na pagsusuri ng Guardia di Finanza, partikular sa domestic job sa Comune ng Bassa Val di Cecina. At sa pakikipagtulungan ng Inps ay natuklasan ang tax evasion ng halos 50 domestic workers. Mula 2010 hanggang 2015, ay tinatayang higit sa € 200,000 ang buwis na dapat bayaran sa 3 million euros undeclared salary.
Ang operasyon ay nagpapatuloy sa buong provincia ng Livorno at ang kaso ng tax evasion ay tumaas na sa 75. Sinusuri rin ang mga ginawang ISEE ng 75 upang tuklasin kung tumanggap rin ng mga benepisyo o ‘agevolazioni’ sa health services at iba pa.
Basahin rin: Colf, kailangan bang gumawa ng dichiarazione dei redditi?