Ipinapaalala ng Inps ang pagtatapos sa gamit ng mga dating buoni lavoro o vouchers. Narito ang tagubilin at paraan ng reimbursement.
Sa pamamagitan ng isang mensaheng inilathala sa website ng Inps ay ipinapaalala ng tanggapan ang nalalapit na pagtatapos sa gamit ng mga vouchers bago ang tuluyang pagtatanggal sa mga ito.
Sa katunayan, ang mga buoni lavoro, ayon sa nasaaad sa decreto legge 25/2017 ay maaari lamang gamitin hanggang sa December 31, 2017.
Ito ay nangangahulugan na hindi na tatanggapin ng online system ang mga occasional job na magsisimula at magtatapos makalipas ang Dec 31, 2017 at ang mga nailagay na sa online system simula Jan 1, 2018 ay kakanselahin ng tanggapan ng walang anumang abiso.
Para sa mga occasional job na nagsimula ng 2017 at ang pagtatapos ay nakatakda sa taong 2018, ay matatanggal sa sistema ang tumutukoy sa taong 2018.
Mga hindi nagamit na buoni lavoro
Samantala, para naman sa mga vouchers na nabili bago pa man ang March 31, 2017 at hindi nagamit hanggang sa katapusan ng taon ay nakalaan ang reimbursement. Ito ay maaaring gawin gamit ang form Sc52 hanggang March 31, 2018.
Ipinapaalalang mayroong bukod na mga tagubilin para sa bonus baby sitting.
Matatandaang ang dating buoni lavoro o vouchers ay ganap ng pinalitan ng ‘libretto familiare‘ sa domestic job at ‘presto‘ sa bang occasional job.
Basahin rin:
Ang bagong voucher? Isang prepaid card na tatawaging ‘libretto familiare’