in

“Huwag kaming iwan muli” hiling kay Matarella ng Ikalawang henerasyon

Non lasciateci soli ancora una volta”: Ito ang kahilingan ng mga kabataang bumubuo ng ‘Italiani senza cittadinanza’ sa Pangulo ng Republika matapos hindi maaprubahan ang Ius Soli dahil sa kawalan ng majority sa Senado

 

 

Panawagan ng mga kabataang ipinanganak sa bansa na ang magulang ay mga dayuhan kay Sergio Matarella na ipagpaliban ang pagpapawalang-bisa sa Parliament na nakatakda bukas, Dec 28, upang maaprubahan ang ipinangakong bagong batas ukol sa citizenship ng ikalawang henerasyon. 

Ipinapaalala ng mga kabataang ipinanganak sa Italya “na walang dokumentong magpapatunay nito” na kilalanin ang kanilang halaga partikular tulad ng nasasaad sa artikulo 3 ayon kay Lelio BassoTungkulin ng Republika ang tanggalin ang mga pinansyal at panlipunang hadlang na magiging sanhi ng anumang limitasyon upang maging pantay-pantay na mamamayan, hadlang sa pansariling pag-unlad at maging daan ng aktibong partesipasyon ng lahat ng mga manggagawa sa politikal, pinansyal at panlipunan na aktibidad ng bansa, at isang pangako ng abot-tanaw na pagtatanggal sa diskriminasyon at bukas na pagtanggap at pagpapalawak sa mga karapatan ng lahat ng mga mamamayan tulad ng malalim na nasasaad at hangarin ng Republika”.

Isang bagay na binale-wala nitong nakaraang Dec 23 nang ang centre-right coalition kasama ang M5S, bukod pa sa 29 na senador ng PD ay pisikal na hindi sumipot at hindi ginanmpanan ang kanilang tungkulin upang pabagsakin ang panukala ng Ius soli. 

Mahal na Pangulo, hindi lingid na nabigo ang Republika sa pagtatanggal ng mga hadlang at patuloy ang pagpapanatili nito sa dibisyon at pagbibigay ng pagkakaiba o kategorya sa mga mamamayan”, ayon sa mga kabataan.

Hiniling din na: “Huwag pabayaan ang labang ito na sinimulan ng Anti-Racism National Network noong 1997, kung kailan ang mga kabataang ito ay hindi pa ipinapanganak ngunit lahat ng bagay ay nagaganap para sa isang dahilan”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DANZIKLABAN sa Roma, tagumpay!!

Medical Mission, handog ng Fil-Ita Nurses Association at Ass. Amici del Cuore sa mga Pilipinong manggagawa