Masayang ipinagdiwang ng grupong Santa Catalinians of Milan ang kanilang ika-9 na taong anibersaryo na ginanap sa Milan.
Masayang ipinagdiwang ng grupong Santa Catalinians of Milan ang kanilang ika-9 na taong anibersaryo na ginanap sa Via Ornato, Milan kamakailan.
Nagmistulang grand reunion ang mga magkababayan na animoy ngayon lang uli sila nagkita-kita pagkalipas ng mga nagdaang taon.
Dumalo din sa Rev. Fr. Prinky Apuhami upang basbasan ang selebrasyon ng anibersaryo ng Sta. Catalina. Maliban sa mga miyembro nito ay imbitado din ang mga malalapit nilang mga kaibigan.
Ang main event ng Sta. Catalinians para sa taong ito ay ang “Search for Little Miss Sta. Catalina 2017” na inorganiza nina Mrs. Maria Christina Villegas and Mrs. Lita Raganit.
Pitong mga naggagandahan at mga smart na kabataan ang lumahok sa nasabing paligsahan na ang mga edad ay mula 6 hanggang 12 taon gulang.
Ayon sa organizer, layunin ng “Search for the Little Ms Sta Catalina” ang ma-expose ang mga chikiting sa publiko upang higit na magkaroon ng tiwala sa sarili.
“The ‘search’ is a beauty, talent and intelligence contest which aims to provide an experience to our young children to develop self-confidence, bring out the best of their talents and capacities, appreciation our filipino cultures, learn the value of sportsmanship and establish greater camaraderie”, wika ni Maria Christina.
Nagpakitang gilas ang mga chikiting na kinabibilangan nina Veronica Cassandra Villegas, Maricar Keith Barbado, Alessia Bile, Lara Jean Racado, Sabrina Mae Raguindin, Lanah Rosella Marion Quines at Marju Escobar.
Samantala, ang mga hurado na sina Edmond Dugay, Korn Taylor at Nardz Alcaraz ay nakilala naman sa unang pagkakataon ang mga kandidato sa araw mismo ng contest.
Puno ang lugar na pinagdausan ng contest at walang tigil ang hiyawan ng mga supporters ng bawat candidates.
At sa pinakahuling bahagi ng paligsahan si Marju Escobar ang hinirang “Little Miss Sta. Catalina 2017”.
Natapos ang event sa isang dance for all na kung saan sumayaw ang mga Catalinians at ang mga kaibigan nila ng “Balse”, boogie, cha-cha at 80’s hits.
Ang grupo ng Santa Catalina of Milan ay pawang mga tiga Ilocos Sur at taong 2008 ng binuo ito ni Catalino Raganit.
Sa panayam ng Ako ay Pilipino kay Villegas, ay may mahigit 70 ang mga miyembro nito sa Milan sa kasalukuyan at patuloy silang nananawagan sa mga tiga Ilocos Sur partikular ang mga tiga Sta Catalina na nakabase sa Milan at buong Italy na sumapi sa kanilang grupo.
“Nangarap na mapag-isa ng founder ang mga tiga Sta. Catalina, at para magkaroon ng isang magandang adhikain sa isa’t isa”, ani ni Maria Cristina.
Sinabi pa ni Villegas na ang Catalinians ay isang Saranay organization kung saan agad nag-aambag ng tulong ang mga miyembro upang matulungan at maresolba ang hinaharap na suliranin ng miyembrong nangngailangan
“Kapag namatayan o namatay ang isang member, ay mayroon kaming designed contributions para sa mga ito”, dagdag pa ni Villegas. Ito aniya ang nakasaad sa constitution and bylaws ng kanilang grupo kung kaya’t mahigpit na ipinapatupad ito sa mga miyembro ng Santa Catalinians of Milan.
Hindi lamang sa Santa Catalina Ilocos Sur nakakarating ang kanilang tulong, maging sa mga naging biktima ng mga natural disasters, mga nasalanata ng bagyo at iba pa, ay nagpapadala ng mga relief good ang grupo at ipinapadaan ito sa Consulate ng Pilipinas sa Milan upang sila ang maghatid ng mga donasyon ng grupo para sa mga nangangailangan ng tulong sa ating bansa.
“Sa ngalan po ng Santa Catalina in Milan, binabati namin ang ating mga kababayan sa Pilipinas, at kami pong mga OFWs na nandito sa Milan Italy, hatid po namin ang taus pusong pagbati sa inyo ng isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon, at nawa’y ang maliit naming organization na Santa Catalinians of Milan, ay makapag-bahagi at makapag-pangiti kami sa lahat ng mga nangangailangan.” Ang pagbati at pagwawakas ni Gng Maria Christina Villegas.
Marju Escobar Little Miss Santa Catalina 2017
Best in national costume
Best in gown
Best in intelligence
Lara Jean Racadio 1st Runner Up
Photogenic Award
Sabrina Mae Raguindin 2nd Runner Up
Maricar Barbado Best in Talent
Excellence Award
Veronica Villegas Excellence Award
Alessia Bile Excellence Award
Lanah Quines Excellence Award
The Sta Catalinians Association Of Milan Officers:
President Joel Villegas
Vice President Lita Raganit
Secretary Rodelyn Refuerzo
Ass. Secretary Jenny Ramilo
Treasuer Imelda Raras
Ass treasurer Juliet Raganit
Auditor Nestor Arizala
Ass. Auditor Bong Alconis
Pro Olive Jara
Ass. Pro Teresita Rabang
Business managers Rodel Racadio,Maxwell Raganit,
Rico Rabang, Rene Villegas
Sgt at arms Eddie Rabang, Junior Quines,
Rey Barbado, Robert Raganit
ni: Chet de Castro Valencia