in

Pasko na Mahal ko

Mumunting handog para sa iyo Mahal ko, ngayong Pasko!  

 

Unti-unting nag-iiba

Unti-unting nagbabago 

Unti-unting nabubuksan

Ang hiwaga nitong mundo 

Ang malambing na awitin

Na may himig na pamasko 

Unti-unting nadarama

Ng luntiang paraiso 

 

Sa daliri’y binibilang 

Ilang tulog na lamang ba 

Sa isip ay naglalaro 

Ilang gising sa umaga 

Ang sikat ng haring araw

 Ay kung bakit may gayuma 

Pagsapit ng dapat-hapon 

Ang kulay ay nag-iiba 

 

Sa puso ay pumupukaw 

Ang awiting naririnig 

Nanunuot sa himaymay 

Ang malambing niyang tinig 

Ang mahimbing na pagtulog 

Ginising ng panaginip 

Isang Batang Manunubos 

Ang sisilang sa daigdig 

 

Ngunit bakit may bahagi 

Na tila ba gulong gulo 

Tila hindi kakayanin 

Ng pangakong pagbabago 

Dapat nating isa-isip 

Lahat tayo’y naging tao 

Nang dahil sa pagmamahal 

Na hinasik NIYA sa mundo 

 

Masdan natin ang paligid 

Ang sinag ng haring araw 

Ang kulay ng bahaghari 

At ang tunog ng batingaw 

Naghahatid ng ligayang 

Sa puso ay umaapaw 

Sa taghoy ng mga dukha 

May pag-asang natatanaw 

 

PASKO NA MAHAL KO 

Ako’y iyong patawarin 

Ang lahat kong pagkukulang 

Ngayo’y aking pupunuin 

Sa araw ng kapaskuhan 

Regalo ko’y ‘ yong tanggapin 

Ang kandila at bulaklak 

Dadalhin ko sa ‘yong libing 

 

 

ni: Letty M. Manalo

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Santa Catalinians of Milan, nagdaos ng kanilang ika-9 na taong anibersaryo sa Milan

Tumbukan for a cause, ginanap sa Roma