Sampung manlalaro ang nagpamalas at nagpakita ng galing sa bilyar ang nagharap-harap sa “Bilyaran ni Pino” sa Roma.
Matagumpay na natapos ang “Tumbukan for a cause” sa Roma ng sampung manunumbok na Pilipino noong nakaraang Disyembre 17, 2017.
Ito ay torneo ng “9-balls” ng Guardians International 1st Legion Vatican City na pinamumunuan no President Tina Echague at ng AS Fil-Roma nina Luis Salle at Teddy Perez.
Sampung manlalaro ang nagpamalas at nagpakita ng galing sa bilyar ang nagharap-harap sa “Bilyaran ni Pino” sa Via Peveragno (Boccea) Roma.
Mahigpit ang naging laban sa bahagi ng eliminasyon at napanatili ni Richard Bernardez ang kartang walang talo para marating ang “Top 1”.
Pinawisan naman ng husto si Ronald Samson para makarating sa “Top 2” ng talunin nya una si Jeremy Gusto at kasunod si Paolo Alteza.
Nakamit ni Richard “RJ” Bernardez ang titolong Kampeon ng 9-Balls matapos ang mahabang sarguhan at tumbukan.
Nakilahok din sa torneo sina Lino Manuel, Andy Manigbas, Danny Gajo, Queen Mantilla, Alas Salazar at Jepoy Delin.
Isinagawa ang “tumbukan for a cause” na ito ng GI-VCIL at AS FIL-ROMA para sa proyekto nilang “FEEDING PROGRAM” sa Barangay San Pedro Daycare Center sa Angono, Rizal sa darating na Pebrero. Kasama sa mga sumuporta ang GI-RCL, GI-INL, GI-Montecatini, Tembong Sounds, JM Foundation, Kabayan Services at TBAI sa proyektong ito,
Inaanyayahan ang iba pang mga mahihilig sa bilyar na makipag-ugnayan sa ASFIL-ROMA para sa mga susunod pang torneo.
ni: Teddy Perez