Moldavian, Filipino, Egyptian, Macedonian – ay ang nasyunalidad ng magulang ng mga unang ipinanganak na sanggol sa Italya ngayong 2018.
Mga foreign origin ang mga sanggol na unang pinanganak sa taong 2018 sa iba’t ibang bahagi ng Italya. Moldavian, Filipino, Egyptian, Macedonian – ay kabilang sa mga nasyunalidad ng magulang ng mga unang ipinanganak na sanggol makalipas ang hatinggabi o sa hatinggabi ng Bagong Taon at sa mga unang oras ng bagong pasok na taon.
Sa Roma, ang unang dalawang sanggol na ipinanganak ngayong 2018 ay isang Moldavian at Filipino.
Sina Bianca at Lucas Nathaniel ay ang dalawang unang ‘Romans’ na binisita mismo ni Mayor Virginia Raggi matapos iluwal ng mga magulang.
Si Hadega, ang unang sanggol naman na ipinanganak sa Torino, ang panganay na anak ng isang Egyptian couple.
Domenican naman ang sanggol na si Dariel Cauto De la Cruz na ipinanganak sa la Spezia. Si Amar na unang ipinanaganak sa Pordenone ay mula naman sa Macedonian family.
Ang unang Sardinian ay ipinanganak sa Sassari at nagngangalang Nicolò, habang Luca naman ang pangalan ng unang sanggol na ipinanganak sa Potenza, ang unang Lucania.
Nagngangalang Daniele ang unang ipinanganak sa Perugia.
Si Gosten, isang Nigerian ay kabilang din sa mga unang ipinanganak sa San Remo. At si Eva naman ay ang unang ipinanganak sa Aosta.