Pirmado na ang dekreto na nagtatalaga taun-taon ng mga quota o bilang para sa regular na pagpasok sa bansa ng mga mamamayang dayuhan bilang mga seasonal workers.
Pinirmahan noong nakaraang Dec 15, 2017 ni Prime Minister Paolo Gentiloni, ang dekreto na nagtatalaga taun-taon ng mga quota o bilang para sa regular na pagpasok sa bansa ng mga mamamayang dayuhan bilang mga seasonal workers o ang kilalang Decreto Flussi Stagionali.
Habang hinihintay ang ganap na paglalathala nito sa Official Gazette na inaasahan sa katapusan ng Enero 2018, matapos ang na pagsusuri ng mga ahensya sa entry visa at registration para sa pinal na bilang o ang tinatawag na quota.
Gayunpaman, inaasahan ang katumbas na bilang sa nakaraang Decreto Flussi 2017 kung saan nagkaroon ng kabuuang bilang ng 30,850.
Partikular, ang bilang na 18,000 ay nakalaan sa pagpasok ng mga seasonal workers habang ang 12,850, tulad sa mga nakakaraang taon ay nakalaan sa ibang sektor tulad ng lavoro autonomo o self-employment, sa mga workers na mayroong italian orgin, at mga workers na nakatapos ng formation courses (ex art. 23 Testo Unico Immigrazione). Samantala, nakalaan naman sa nalalabing bilang ang sa conversion ng mga permit to stay.
Muli, ipinapaalala na ito ay HINDI isang regularization at samakatwid ay HINDI para sa mga undocumented na nasa Italya na tulad ng mga colf o operaio. HINDI rin ito per lavoro domestico para sa pagpasok sa bansa ng mga colf. At mahigpit na ipinapaalala ang lubos na pag-iingat sa mga naglipanang illegal recruiters.
Matapos ang paglalathala nito sa Official Gazette ay opisyal itong sisimulan sa pamamagitan ng itatakdang mga click days, na tulad rin sa mga nakaraang taon, ay sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior: https//:nullaostalavoro.dlci.interno.it
Ang Proseso ng Flussi Stagionali 2018
Ang employer, maaaring isang Italian o dayuhang regular na naninirahan sa Italya, na nais magkaroon o mag-empleyo ng manggagawang buhat sa labas ng Italya ay kinakailangang magsumite ng aplikasyon sa Sportello Unico Immigrazione.
Sa pagkakaroon ng sapat na requirements ng employer at worker, ang Sportello Unico ay magre-release ng nulla osta al lavoro stagionale na kakailanganin sa pag-aaplay ng entry visa mula sa mga Konsulado at Embahada ng Italya sa country of origin ng manggagawa.
PAALALA: Subaybayan ang mga susunod na balita ukol sa paglalathala at pagpapatupad ng Decreto Flussi Stagionali 2018 maging sa pamamagitan ng opisyal na website ng Ministry of Interior.
PGA