Ayon sa Adusbef, aabot sa halagang 950 euros kada pamilya ang pagtaas ng bilihin ngayong 2018.
Kasabay ng pagpasok ng bagong taon ay ang pagtaas ng gastusin ng mga pamilya mula sa pagtaas ng mga bilihin at pagkakaroon ng mga bagong bayarin. Mula sa mga house bills, insurance, banking services, gamit sa bahay at mga gastusin sa pag-aaral ng anak hanggang sa toll gate. Sa katunayan, ayon sa Adusbef, tinatayang aabot ang pagtaas na ito hanggang sa halagang 950 euros kada pamilya.
Disposable plastic bags for fruits and vegetables – Ito ay ang maituturing na pinaka-maingay at pinaka-kontrobersyal kahit pa ang dagdag bayarin na tinutukoy ay ang pinaka mura, mula 0.01 hanggang 0.05 cents. Ayon sa mga unang ulat ng Assobioplastica, kada tao ay gagamit umano ng average number of 150 disposable plastic bags kada taon at ang gastos para sa disposable plastic bags ng gulay at prutas tuwing mago-grocery ay tinatayang aabot mula 1,5 hanggang 4,5 euros kada taon kada mamamayan. Sa kabila ng halagang nabanggit, para sa mga mamamayan ito ay isang tila hidden tax na ipinapatong sa balikat ng mga mamamayan. Samantala, patuloy naman ang mga reklamo at protesta sa social media dahil ang gamitin muli ang binayarang plastic bags para sa susunod na grocery ay hindi possible, “ngunit pinahihintulutan naman ang pagdadala ng mga bagong disposable plastic bags mula sa tahanan upang makapagtipid ang mga pamilya”, ang sagot ng Ministry of Health.
House bills – Maging ang ilaw at gas ay tataas ang presyo ngayong 2018. Ayon sa awtoridad ng ilaw at gas, mula sa susunod na buwan ng taong ito ay mararamdaman na ang pagtaas ng 5.3% para sa ilaw at karagdagang 5% naman para sa gas.
Highway – Para sa mga motorista ay ibinalita na rin ang pagtaas ng gastusin. Sa katunayan, ayon sa mga unang kalkulasyon, kahit ang mga toll gates ay magtataas ng hanggang 2.74%.
Multa – Para sa mga mayroong sasakyan, ay nalalapit na rin ang mapait na pagtaas ng babayarang mga multa. Ang mga paglabag sa Highway Code ay malaking bahaging panggagalingan ng ‘budget’ ng mga Comune tulad ng Florence, Bologna hanggang sa Roma, ayon sa Adnkronos at ito ay mapapatunayan ng mga aprubadong dokumentasyon.
Car insurance – Sa kabila ng sa loob ng 30 taon, ang halaga ng Rc auto sa bansa ay bumaba ng 2.8% ay nananatili ang pagiging tanyag ng car insurance sa malaki at taunang increase. Ayon sa Facile.it, batay sa sample ng higit na 510,000 renewal quotations na ginawa nito noong nakaraang Disyembre, mayroong halos 1,6 milyong motorista na sa kabila ng pagrereport ng aksidente kung saan sila ang sanhi nito sa lumipas ng 12 buwan, ay inaasahan ang mas mataas na halaga ng car insurance sa taong 2018. Sa mga pagsusuri ay lumalabas na 4.22% ang nag-deklarang sila ang may kasalanan sa aksidente nitong nakaraang taon.