in

Jao’s Cup, muling pinasaya ang mga basketball lovers sa Roma

“Never say die” – Ito ang sigaw ng mga Ginebra fans na umabot hanggang sa Roma. 

 

 

Muling pinasaya ng Jao’s Cup sa pangunguna ni Jeff Ocampo ang mga basketball lovers sa ng makarating si Jayjay Helterbrand ng Barangay Ginebra at si RR Enriquez sa dalawang magkasunod na palaro sa Roma. 

Nauna ang Inter-City noong Disyembre 8 at noong Disyembre 17 na pinangunahan naman ni Judito Estopacia at ng kanyang grupong RBGPII (Radical Brotherhood Guardians Philippines Intl Inc.). 

Ito ay ang ika-anim na palaro ng Jao’s Cup kasama ang mga PBA Legends. Dumating din si Ruel Bravo mula sa London, isa ding mahusay na manlalaro ng PBA.

Ang koponan ng Lemery sa pamumuno ni Rod Anuran at Jaynar Calangi ang kampeon sa Intercity at ang Durubu’s team naman sa RBGPII’s CUP. 

Nagkaroon din ng “exibition game” ang mga naging kampeon kasama si Jayjay “Mr Fast” at Ruel Bravo kontra sa koponan ng “ROME Selection”.

Si Jayjay ay naglaro ng 17 taon sa Barangay Ginebra San Miguel, 6 na championship games at Most Valuable Player. Sya ay nagritiro na ngayong taong 2017 matapos makamit ang “back to back championship” ng Barangay Ginebra. 

Bukod sa husay at galing sa larangan ng basketball ay ipinakita din nya ang galing sa pakikitungo at pakikisalamuha sa mga Pilipino dito sa Roma gayun din si RR Enriquez. Maraming pumuri sa kanilang magandang pakikisama sa mga Pilipino. Maraming nasiyahan sa mga ginawang “ meet and greet” ng dalawa sa mga grupo ng Pilipino dito sa Roma at ganun din sa Milan.

 

Umalis sina JJ at RR patungong Pilipinas na may pangakong muling magbabalik at magsasama pa ng iba pang mga PBA Legends at syempre ang ating pasasalamat ay para kay Comissioner Jeff Ocampo ng Jao’s Cup Rome, Italy. 

 

ni: Teddy Perez  

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagtaas ng gastusin ngayong 2018, aabot ng € 950 kada pamilya

One-day Basketball League sa Bologna, Tagumpay ng Kabataan