Ginunita ng mga Pilipino sa Italya ang anibersaryo ng Pagkabayani at Kamatayan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.
Ginunita kamakailan ang ika-121 taong anibersaryo ng Pagkabayani at Kamatayan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.
Sa pangunguna ni Chapter Commander Knights of Rizal Rome Auggie Cruz at Norberto Fabros, Supremo ng PDGII Guardians at isa ring miyembro ng Knights of Rizal ay muling naisagawa sa ika-9 na taon ang paggunita sa araw na ito sa makasaysayang Piazzale Manila sa Roma kung saan matatagpuan ang bantayog ng bayani.
Sa naturang okasyon ay pinangunahan ng mga panauhing pandangal na sina Consul General Bernie Candolada ng Phlippine Embassy to Italy at Hon. Charlie Manangan, Charge d’Affaires Phil. Embassy to the Holy See ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas at seremonya ng pag-aalay ng bulaklak sa harap ng bantayog ng ating pambansang bayani kasama ang mga kilalang personalidad at Filipino leaders sa Roma na taunang nagbibigay ng kanilang mahalagang oras para sa makabayang selebrasyon.
Kabilang sina Knights of Rizal Area Commander for Italy Carlos M. Simbillo, Emerson Malapitan Deputy Area Commander, Arman Cruz Deputy Chapter Commander Firenze, Gerry Adarlo Chapter Commander Modena, gayundin ang Kababaihang Rizalista Inc. Modena at Firenze Chapter sa pangunguna ni Winnie Crisostomo at mga kasama at Marco Magni, Knights of Rizal Rome Chapter member.
Kasamang nagsidalo ang mag-asawang Stefano at Mari Lami, Lito Viray ang President Hugpong Federal Movement, Francis Buanjug ng The Fraternal Order of Eagles, Pia Gonzalez-Abucay ng European Network of Filipino Diaspora o ENFID at Allen Magsino, Ang ENFID Youth Coordinator at CSC Centro Servizi Cittadini.
Kasabay ng magandang panahon ay nadama ang mainit na paggunita sa mga kadakilaan, pagkamartir at pagmamahal sa ating bayan na pawang iniwang aral at halimbawa ng ating pambansang bayani. Ang kanyang malaking ambag sa kalayaan hanggang ang magbuwis ng buhay ay mga katangiang ating tatanawin habambuhay at bibigyang pugay.