Simula sa July 1, 2018 ay hindi na maaaring magbigay ng cash salary ang mga employers at kumpanya ngunit hindi sakop nito ang domestic jobs.
Para sa mga tumatanggap hanggang sa kasalukuyan ng cash salary, simula July 1, 2018 ay hindi na ito pinahihintulutan.
“Ang mga employer o mga kumpanya ay hindi na maaaring direktang magbigay ng cash na sahod sa employee/worker anuman ang uri ng kontrata nito”.
Ito ay nasasaad sa talata 910 ng batas 205/2017 ng bagong Legge di Bilancio, ang sahod (kasama ang anumang advance payment o mas kilala sa tawag na bale). Samakatwid, ay maaaring ibigay ang sahod sa pamamagitan lamang ng bank transfer, anumang uri ng online payment o cash payment sa pamamagitan ng mga counter sa bangko o post office.
Samantala, pinahihintulutan rin ang paggamit ng tseke o assegno na ibibigay ng direkta sa worker.
Layunin nito ang masubaybayan ang mga tinatanggap na sweldo ng mga workers at maiwasan ang ‘false payroll’ o false buste paga: kaso kung saan ang mga kumpanya ay nagbibigay ng mas mababang sahod kaysa sa nasasaad sa minimum wage kasabay ang banta ng pagpapaalis sa trabaho.
Sa katunayan, nasasaad sa talata 912 na ang pirma sa busta paga ng employee ay hindi na isang katibayan ng pagtanggap ng sahod.
Sa mga lalabag ay nasasaad ang administrative sanctions mula €1000 hanggang €5000.
Gayunpaman, ang bagong pamamaraang nabanggit ay hindi sakop ang domestic jobs.
“Excempted sa obligasyong pagbabayad ng ‘metodo tracciabile’ ang mga employer sa domestic job na nasasakop ng implementing rules ng national collective contract”.
Samakatwid, ang mga employer sa domestic job ay maaaring patuloy na magbigay sa mga colf ng cash salary, dahil na rin sa pagiging partikular ng uring ito ng subordinate job.
PGA