in

Minimum Wage sa Domestic Job ngayong 2018

Narito ang Minimum wage for domestic job ngayong taon.


Bagaman bahagya lamang sa halaga noong 2017, ay tumaas ang minimum wage sa domestic job ngayong 2018.

Sa katunayan, ito ay resulta ng assessment sa naging pagbabago sa pamantayan ng ISTAT  o ang + 0.8%, tulad ng ipinaliwanag ni Fidaldo ng National Federation of Domestic Employer, kasama ang mga asosasyon na bumubuo ng ASSINDATCOLF, at pakikipagtulungan ng Adld at Adlc. Ito ay nagdulot ng pagtaas ng minimum wage sa 0,64%.

Bilang resulta, para sa mga domestic worker, caregiver at babysitters na napapaloob sa livello B (o mga manggagawang may karanasan) at sinasahudan per hour, ang sahod per hour ay magiging € 5,72 mula sa € 5,68. Samantala para naman sa mga live-in caregiver ng hindi self-sufficient, ang sahod ay tataas sa €6,18.

Ipinaalala din ni Fidaldo na ang pagtaas ay nakalaan sa mga employer na nagbibigay ng sahod batay sa trade union rate o nasa ilalim ng Collective Contract (CCNL).

Ang bagong minimum wage ay itinakda noong Jan 17, 2018 ng mga kinatawan ng komisyon sa Ministry of Labor, ngunit ito ay simulang ipapatupad mula January 1, 2018. 

 

Antas o lebel sa domestic job ayon sa CCNL

Minimum wage sa domestic job para sa taong 2017

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Leave for violence victims, para rin sa mga colf

Flussi 2018, ang nilalaman ng dekreto