Ayon sa National Health Institute ng Italya may 832,000 kaso ng flu sa loob lamang ng isang linggo noong nakaraang buwan, mula Jan 8-14, 2018 at sa bilang na ito, naitala ang 140 cases ang malubha at 30 naman ang namatay.
Nagpalabas ng mahalagang paalala ng Embahada ng Pilipinas kamakailan ukol sa mabilis na paglaganap ng Influenza o flu sa bansa.
Sa katunayan, ayon sa paalala, nagtala umano ang National Health Institute ng Italya ng 832,000 kaso ng flu sa loob lamang ng isang linggo noong nakaraang buwan, mula Jan 8-14, 2018. Sa bilang na ito, 140 cases ang malubha at 30 naman ang namatay na karamihan ay sanhi ng naging kumplikasyon nito. Simula noong Setyembre 2017, umabot sa 3,883,000 nag kaso ng influenza sa bansa at karamihang biktima nito ay ang mga bata na 14 anyos pababa.
“Upang maiwasan ang flu, mahigpit na ipina-paalala ng Embahada ng Pilipinas sa lahat na mamamayang Pilipino sa Italya na maging maingat at panatilihing malinis ang katawan at kapaligiran. Huwag ipagwalang bahala ang masamang maidudulot ng flua t huwag mag-atubuling makipag-ugnayan sa meico di basekung makakaramdam ng mga sintomas nito”, ayon sa paalala ng PE Rome.
Ang influenza o trangkaso ay isang nakakahawang sakit. Ito ay isang pangkaraniwang impeksiyon mula sa virus na tinatawag na influenza. Naaapektuhan ng sakit na ito ang respiratory system at kabilang rito ang ilong, lalamunan at baga. Nakakahawa ang sakit na ito sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin na may influenza virus, o kaya mula sa pakikisalamuhan sa taong may trangkaso. Pana-panahon ang pag-atake ng sakit na ito, kung saan mas madalas tuwing taglamig.
Kusang gumagaling ang trangkaso matapos ang ilang araw, ngunit ito ay maaaring maging sanhi ng malubhang karamdaman at kung minsan ay humahantong din sa kamatayan. Mayroong mga tao na mas malaking panganib na magkaroon ng seryosong komplikasyon sa trangkaso. Kabilang dito ang mga matatanda, bata at mga nagdadalantao, at ang mga taong may partikular na kondisyon sa kalusugan gaya ng sakit sa puso, baga at bato o huminang immune system.
Sundan sa:
Ang Influenza at ang mga sintomas nito
Iwasan ang influenza, narito kung paano