Ang Filipino community ay kasalukuyang ika-lima sa pinakamalaking komunidad sa Italya matapos ang Moroccan, Albanian, Chinese at Ukrainian.
Ayon sa ulat ng Integrazione Migrante, ang mga Pilipino ay isa sa mga pinaka-malaking komunidad sa Italya.
Sa katunayan ang Filipino community ay kasalukuyang ika-lima sa pinakamalaking komunidad sa Italya matapos ang Moroccan (454.817), Albanian (442.838), Chinese (318.975) at Ukrainian (226.934).
Ayon sa ulat, ay naitala ang bilang na 162,469, hanggang noong Enero 1, 2017, ng mga Pilipinong regular na naninirahan sa Italya. Ito ay katumbas ng 4.4% ng kabuuang bilang ng populasyon ng mga non-Europeans sa bansa.
Mula sa bilang na 169,046 noong Enero 2015 ay nagtala ng pagbaba ng higit sa 4,000 noong Enero 2016 at umabot sa bilang na 167,176, at nagpatuloy ang pagbabang ito hanggang Enero 2017.
Ang pagbaba sa bilang ng mga foreign communities, partikular ng mga Pilipino, ay maaaring sanhi ng iba’t ibang factor kabilang na dito ang pagbaba rin sa bilang ng mga bagong dating na mga Pilipino: mula sa 18,000 ng 2010 sa 4,000 ng 2016 (-79%).
Bagaman kabaligtaran naman ito kung bilang ng mga Pinoy na nagiging Italian citizen ang pag-uusapan, ang pagkilalang ito bilang mga “New citizens” ay sanhi rin sa pagbagsak sa kasalukuyang bilang ng mga Pinoy.
Ito ay dahil mula 894 noong 2012 ay naging 2,737 noong 2016 ang mga Pilipino na naging naturalized Italians. Partikular ang mga nagkaroon ng Italian citizen by residency +349%, second generation sa pagsapit ng 18 anyos + 218%. Samantala, kabaligtaran naman sa citizenship through marriage na bumama ng 10%.
Ang naitalang mababang bilang ng Italian citizenship through marriage ay maituturing na tanda ng kahirapan sa integrasyon ng komunidad. Noong 2015, ay naitala ang 152 o 29% mix marriages. Ito ay kumakatawan lamang sa 1% ng kabuuang bilang ng mga mix marriages sa bansa. Halos 2/3 nito ay tumutukoy sa Pinay na ikinasal sa isang Italyano at 9% naman ang ikinakasal sa mga Pinoy sa Italyana.
Samantala, tumaas naman mula 47.4% ng 2012 sa 59.3% ng 2017 o ng 12 puntos ang mga mayroong EC long term residence permit o dating carta di soggiorno. Gayunpaman, sa kabila ng pagtaas na nabanggit, nananatiling mababa pa rin ito kumpara sa ibang nasyunalidad.
Permesso di soggiorno per lavoro pa rin ang nagungunang dahilan ng pananatili ng komunidad sa Italya. Tinatayang 54.2% ng mga Pilipino na nag-renew ng kanilang permit to stay ang may hawak na permesso per lavoro. Tinatayang halos 27,000 o 40.9% naman ang mga mayroong hawak na permessi per motivi familiari
Sa taong 2016, 4,013 ang mga mamamayang Pilipino ang pumasok ng bansang Italya. Ang bilang ay halos katumbas noong nakaraang taon, 4,003 at karamihan sa mga ito ay per motivi familiari (87.4%). Habang 4% lamang ang mga mayroong permesso per lavoro.
Ang mga menor de edad na Filipino origin ay naitalang 33,952 at kumakatawan sa 4.2% ng kabuuang bilang ng mga non-Europeans na menor de edad, na sumunod din sa trend ng pagbaba ng bilang ng komunidad. Sa ikalawang pagkakataon ay naitala rin ang pagbaba ng 2,466 o 14.5% kumpara noong nakaraang taon.
Sa kabila nito, mataas ang bilang ng mga menor na nag-aaral sa bansa. Sa katunayan, kumakatawan sa 73% ng bilang na ito ang nakatala sa mga paaralan sa bansa. Sa school year 2016-2017, halos 27,000 o 4.2% ng kabuuang bilang ng mga non-Europeans ang mga mag-aaral na naitala. Ang bilang ay tumaas ng 1.6%. Tumaas lalong higit ang bilang ng enrollees sa Second degree High School (+7.3%) at Scuola Media o Middle School (+1.2%) habang bahagyang bumama naman ang sa elementary school (-1.2%) at kindergarten (-1.9%).
Nasa elementary school ang malaking bilang ng mga mag-aaral na Pilipino, 8,608 na kumakatawan sa 32% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral na Pilipino. Sinundan ng High School 29.3%, Middle School 24% at 15% naman sa Materna o Kindergarten.
Naitala naman ang 572 na mga Filipino origin na pumapasok sa unibersidad sa parehong school year. Ito ay kumakatawan lamang sa 1% ng kabuuang bilang ng mga non-Europeans. Ang bilang na ito ay tumaas ng 48% sa huling limang taon, mula 385 sa 572.
Ang mga kabataang ‘Not in Education, Employment or Training’ o NEET sa pagitan ng edad na 15 hanggang 29 anyos ay naitalang 5,189 o ang 2.1% ng mga non-Europeans. Kumpara sa naitala noong nakaraang taon ay bumama ang bilang ng 1,322.
Nananatiling pinakamataas ang occupational rate ng komunidad o ang 80.6% sa mga pangunahing komunidad na non-European at ang unemployment rate naman ng komunidad ay naitalang mas mababa kumpara sa ibang non European communities, 6.9%.
Nananatiling naka-empleyo ang karamihan ng mga Pilipino, 70% sa Manual jobs o low-qualified work, 24% naman ang mga employees, sales, service to person, 5% lamang ng mga Pilipino ang high-skilled manual work at 1% ang mga professionals at technical people.
Gayunpaman, sa taong 2016 ay naitala ang 43,764 na mga kontrata.
Sa kabila ng ang tinatanggap na sahod ng mga Pilipino na hindi kabilang sa mga pinakamataas na sahod sa bansa, ang Pilipinas ay nananatiling ikalawang destinasyon ng pinakamataas na remittance mula sa Italya ng taong 2016 na umabot sa 334.9 million euros (bumaba ng 5.7 million kumpara noong 2015) o ang 10.5 % ng kabuuang remittance na lumabas ng Italya.