Ginanap ang Gandang Ginang Bitin Bay Laguna 2018 sa pagdiriwang ng pista ng Bitin Bay Laguna, Milan Chapter.
Masayang idinaos, sa halos dalawang dekada na, ang pista ng Bitin Bay Laguna, Milan Chapter alinsabay na rin sa pista ng kanilang Patrono na si San Antonio Abad. At sa pagkakataong ito ay nataon ang okasyon sa panahon ng kuwaresma.
Ginanap ang nasabing fiesta sa Via Scalarini Milan na kung saan mahigit 500 ang mga tiga Bitin Bay Laguna at ang mga kaibigan ang dumalo at nakisaya sa araw na yon.
Binasbasan ni Rev. Fr. Bong Osial ang okasyon sa pamamagitan ng isang misa.
Pagkatapos ng misa, upang bigyan ng pagkakataon ang mga hindi nakapunta sa misa sa araw ng ‘Ash Wednesday’, ay pinahiran ng pari ng bahagya ng pulbos na uling ang ulo ng mga dumalo.
“Papahiran ko kayo ng uling na ito sa inyong mga buhok kaysa sa noo dahil hindi magandang tignan na may pahid ng uling sa mga noo niyo tapos kumakain kayo, dahil alam natin sa araw ng quaresma at pag ash Wednesday ay nag-aayuno”, wika ng pari sa mga deboto.
Binasbasan din ng Fr. Bong ang pagkain na hinanda ng Centro Pilipino para sa mga bisita.
Bago nagumpisa ang programa ay pinasalamatan ni outgoing Bitin Bay Laguna President Emmhel Resurreccion ang mga sumuporta sa kanyang isang taon termino sa pagiging lider ng kanilang barangay.
At ipinakilala niya ang incoming president para sa taong ito na si Alex Malabanan.
Ang grupo ng Bitin Bay Laguna sa Milan ay nagtutulong-tulong sa pamamagitan ng paglikom ng pondo upang iambag sa pagpapaganda ng kanilang simbahan sa Pilipinas.
At ang mga natitirang halaga naman ay para sa mga gaganaping events at ibang proyekto ng grupo sa Milan.
“Sa aking termino, may pondong nakalaan para sa isang proyekto, na pag-uusapan ng buong grupo kung saan natin ito ibabahagi, dahil mahirap kung ako lang ang magdedesisyon,” wika ni Resurreccion.
Dagdag pa niya, bago ang turn-over sa incoming president may maaaring nakapagdesisyon na ang grupo kung saan ilalaan ang pondo para sa proyektong kanilang napagkasunduan.
Ang main event ng nasabing piyesta ay ang Gandang Ginang Bitin Bay Laguna 2018.
Tampok ang 7 naggagandahang mga ginang ng Bitin Bay Laguna ang lumahok. Ipinakita nina Melith Museros, Ellen Austria, Nora Quiatchon, Janeth Villegas, Genette Evangelista, Elsa Veterana, Aida Navarez ang kanilang galing sa pagrampa suot ang kanilang evening gown, casual wear at nagkaroon din ng question and answer portion.
Dagdag pa sa programa ang mga sing and dance numbers kung saan may mga invited guest performers mula sa mga kids/teens dance group hanggang sa mga Zumba dance group at mga invited guest singers.
At bago ang anunsyo ng major awards ay inawitan ni Jun Prudon ang mga candidates na mistulang Miss Universe ang dating, at isa-isa niyang iprinisinta muli ang mga ito sa mga manonood.
Ang mga hurado ay sina Jasmin Arguero, Ycel Dinglasan at Princess Amatos.
Itinanghal bilang Gandang Ginang Bitin Bay Laguna 2018 si Ellen Austria.
Walang patid ang kasiyahan ng mga tiga Bitin Bay Laguna hanggang sa mapayapang natapos ang nasabing okasyon.
Grand Winner : Ellen Austria
1st Runnerup : Nora Quiatchon
2nd Runnerup : Genette Evangelista
Mrs Elegant : Ellen Austria
Mrs Charity : Nora Quiatchon
Mrs Charming : Janeth Villegas
Mrs Body Beautiful : Melith Muceros
Mrs Runway : Genette Evangelista
Mrs Flawless : Elsa Veterana
Mrs Personality : Aida Navarez
Best in Production Number: Melith Muceros
Best in Long Gown : Janeth Villegas
Best in Casual Wear : Genette Evangelista
Mrs Photogenic : Nora Quiatchon
Mrs Popularity : Genette Evangelista
Bitin Bay Laguna outgoing President : Emmhel Navarez Resurreccion
Bitin Bay Laguna incoming President : Alex Malabanan
Staff : Fely Resurreccion
Lucy Ojos
Juliet Mantala
Jenny Mendoza
Kylie Nova
ni Chet de Castro Valencia
larawan ni Arnold Muceros