Bukod sa mga Italian citizens, ay boboto rin ang mga naturalized Italians. Narito kung paano.
Sa Linggo, March 4, mula alas 7 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi, ay gaganapin sa Italya ang isang General Election kung saan ang mga Italians ay boboto upang pumili ng 630 members ng Chamber of Deputies at 315 elective members ng Senado para sa ika-18 Lehislatura ng Italian Republic.
Kasabay nito ay gaganapin din ang Regional election sa Lombardy at Lazio region.
Bukod sa mga Italian citizens, ay boboto rin ang mga naturalized Italians (through residency at marriage) at mga dayuhan ng second generation na naging Italians pagsapit ng 18 anyos.
Paalala: Sa eleksyon ito, ang mga 18 anyos ay boboto sa Camera at mula 25 anyos naman ang maaaring bumoto sa Senado. Ang mga botante ay kailangang dala ang balidong ID at voter’s ID o ang tinatawag na tesserae elettorale para bumto.
Basahin rin:
Imigrasyon, isang armas sa nalalapit na eleksyon
Paraan ng Pagboto